Mula sa foodtripan, chocolate stores, bakery, milktea shops, salon, spa, fitness center, food parks, online store, punerarya, car wash, engine oil, packaging materials, clothing line at kung anu-ano pang produkto ay nai-promote na ng When In Tondo sa loob ng halos apat na taon nitong pamamayagpag sa social media ng Tondo. Bakit nga ba madaming nagtitiwalang magpa-promote ng kanilang mga produkto sa When In Tondo? Halos 200 small businesses na mula sa loob at labas ng Tondo ang lumalapit sa When In Tondo upang sila ay matulungan. Susubukan nating sagutin ang katanungan na 'yan sa blog na ito. #1 REACHED Ngayong August 2021, ay umaabot na sa mahigit 50,000 followers na ang nakasubaybay sa bawat post ng page araw-araw. Ito ang bilang ng mga netizens na maaaring makakita ng inyong produkto. Sila din ang mga tao na posibleng mag-share sa kanilang mga kapamilya at kaibigan. Patuloy na lumalaki pa ang mga bilang ng followers ng When In Tondo araw-araw. Pinapangarap pa natin umabot sa mahigit 1 million followers ang mga ito upang mas madami pa tayong matulungang mga small businesses. Sa latest Facebook page insights ay umabot na ng 5 million people reached ang When In Tondo sa loob lamang ng isang buwan mula Hulyo 7, 2021 hanggang Agosto 3, 2021. Mataas ito ng 284% mula sa nakaraang buwan. Umabot naman sa 3,714 people reached ang Story o my Day ng page sa parehas na panahon na 144$ na mas mataas kumpara nuong nakaraang buwan. Mayroon namang 950,100 ang engagement reached ng page na 271% na mas mataas kumpara nuong isang buwan. Ang engagement reached ay ang paraan ng Facebook upang kwentahin ang total number ng mga reactions, shares, likes, clicks at comments ng isang post. Samantala, mayroong 1.6 million video views naman ang page na mas mataas ng 3135% mula nuong isang buwan. Ito ay matapos na mag-focus ang When In Tondo ng paggawa ng mas madaming video contents. #2 HONEST REVIEW Dahil sa kakaiba nitong uri ng pagsusulat ng mga katangian ng mga produkto at tindahan ay lubos na pinagkakatiwalaan ang When In Tondo sa pag-review ng mga ito. Ang bawat review ay pawang tapat na pagkilatis ni Sir Ryean TeeVee sa mga produkto. Madalas ay mga pagkain at kainan ang mga nagpapa-review sa When In Tondo. Kahit hindi isang chef o lehitimong food reviewer si Sir Ryean TeeVee ay makikita mo ang sinseridad ng bawat salita na kanyang binibitawan sa bawat review. Ang kanyang reviews ay mula sa perspective ng isang ordinaryong tao na nais ng isang masarap na pagkain at magandang serbisyo. Kailanman ay hindi naglalagay ng negatibong komento si Sir Ryean TeeVee dahil layunin ng When In Tondo ang iangat ang kalagayan ng mga negosyo sa Tondo. Kung mayroon man itong hindi nagustuhan sa review ay agad nitong iniuulat ang mga bagay na dapat na i-improve sa pagkain o sa tindahan. #3 IT GIVES RESULTS Sa madaming pagkakataon ay nagbibigay ng magandang resulta ang mga food reviews o advertisements ng mga small businesses sa When In Tondo. Ito ay marahil sa dami ng mga taong nakakakita sa page at sa mga napakagandang produkto at serbisyo sa Tondo. May ilang mga kwento na agarang tumaas ang benta nila matapos mag-post o mag-viral ang kanilang tinda through us. Nabibigla ang ilang mga negosyante ng biglaang paglakas ng kanilang mga benta matapos ang aming reviews. #4 MURA AT SULIT Palagian kong sinasabi na ang pagpapa-advertise o promote ay isang investment sa negosyo at hindi siya expense. Kumbaga, hindi siya kagaya ng ibang pinagkakagastusan natin sa ating mga negosyo dahil ang pagpapa-promote especially sa mga bloggers/vlogeers ay nagbibigay ng return of investment dahil sa new customers na pinapasok nito sa ating mga negosyo. Sa When In Tondo, ay sulit ang lahat ang lahat ng ini-invests mo dahil may magandang resulta sa dami ng mga nakakakita ng iyong negosyo. Sa maliit na halaga ay mas madaming reached na ang maabot. Ano nga ba ang kapalit ng ibibigay mo sa When In Tondo? Una, mayroon kang food review na pagbabasehan ng integridad ng iyong tinitinda. Pangalawa, may mga photos ka pa na maaari mong magamit na libreng ibibigay ng WIT. Pangatlo, tinutulungan pa lalo ang negosyo dahil pino-post din ang review sa iba't ibang Facebook groups sa Tondo at sa website ni Ryean TeeVee (www.ryeanteevee.weebly.com). Makikita natin na hindi lang basta-basta ang tulong na binibigay ng WIT sa mga negosyante. Sinisiguro nito na malawak at maraming tao ang makakakita ng bawat reviews nito. Sulit na sulit talaga. Bakit? Dahil kapag nagpa-Facebook Ads ka ay halos parehas lang din ang resulta. Ang ikinaganda lamang ng WIT ay halos puro taga-Tondo ang active followers nito. Pangalawa, may mga freebies din na posting sa website na nagkakahalaga din ng libong piso kapag nagpagawa ng articles. Ganyan sa When In Tondo. Ang tanging nais lang namin ay matulungang maiangat ang mga negosyo sa Tondo habang kami din ay natutulungan sa aming adbokasiya. Nais namin ay sabay-sabay tayong umangat hanggang pare-parehas natin maabot ang ating mga pangarap sa buhay.
Sa mga nais, magpa-promote o advertise ay narito ang mga rates ng When In Tondo as of August 1, 2021: Regular Rate: P2,500 - Product review with store visit - Posting of review at Shop and Dine MNL Facebook page - Posting of review on at least 15 Tondo Facebook groups - Posting of review at Ryean TeeVee website (www.ryeanteevee.weebly.com) - Free use of photos by client * Inclusive of transpo fee and product samples for 5 pax Promo Alert!!! P1,000 only from August 1 to 31, 2021 Basic Rate: P500 - Product review (no store visit) - Posting of review at Shop and Dine MNL Facebook page - Free use of photos by client * Inclusive of transpo fee and product samples for 5 pax Mag-message lamang sa When In Tondo Facebook page (https://www.facebook.com/whenintondoph) upang magpa-book ng schedule o para sa karagdagang impormasyon. |
AuthorRyean TeeVee Archives
October 2021
Categories
All
Ryean TeeVeeWhen In TondoTondoriffic Vlogs |