Nagsulputang parang kabute ang mga takoyaki sa Pilipinas lalo na sa Tondo. Kahit saang kanto at kahit saang online groups ay may nagtitinda ng kanya-kanyang takoyaki. Pero may isang takoyaki store na sobrang naiiba sa lahat. Yung tindahan nila ay hindi mananatiling simpleng tindahan ng takoyaki. Ito ang store na patuloy na umiikot ang lasa at nagdadagdag ng kakaibang twists sa mga produkto nito para sa ikasisiya ng mga tao.
Meet PINOYAKI - Ang Takoyaki ng Bayan. Nagsimula ang Pinoyaki sa gitna ng pandemic nitong 2021 na kung saan mayroon lamang itong mga basic na flavors gaya ng octopus, crab, bacon, cheese at ham sa isang maliit na food stall sa loob ng basketball court sa Pavia Street, Tondo. Kasama nito ang lemonade at baked sushi sa kanilang mga tinitinda. Sa halagang P55.00 ay mayroon ka nang 6 pieces na takoyaki kumpara sa ibang tindahan na 4 pieces lamang ay P50.00 na. Gayundin, sa halagang P100.00 ay mayroon ka nang 12 piraso ng takoyaki. Ngunit hindi ito yung ordinaryong takoyaki mo. Tinimplahan ito na swak na swak sa panlasang Pinoy. Andun pa din ang classic taste ng takoyaki pero mas pinalinamnam at pinasarap Pinoy-style. Kaya nga siya tinawag na takoyaki ng bayan dahil kuhang-kuha nito ang panlasa natin.
Hindi papaawat ang lamig ng Roque Avocado Fresh Shake, Binay Ube Halo, Vico Chocolate Shake, Yorme Fresh Buko at ang kanilang Ayuda Scramble. Swak na swak na tandem ng takoyaki food trip ang mga ito kaya nagkaroon pa sila ng combo meal na super budget meal. Sa halagang P130.00 ay mayroon ka nang 6 pieces takoyaki at isang cold drinks. Maliban sa avocado shake na P150.00 isang combo. Pero kung solo shake lang ay P80.00 lahat maliban sa avocado shake na P100.00. Ibang klaseng meryenda ito.
Nitong June 2021 ay naglabas sila ng kauna-unahang takoyaki desert chocolate series. Lumalaban sa patamisan at sarap ang Nutella Almond Choco Takoyaki, White Choco Caramel Takoyaki at ang Oreo Dark Choco Takoyaki.
Lalo pa nilang pinalakas ang product line nila ng pumasok ang pinaka-latest na Black Mamba Takoyaki at Hiroshima Okonomiyaki. First black takoyaki sa Tondo na dinagdagan pa more ng squid ink at melted overload mozarella cheese sa ibabaw. For only P150.00 ay mayroon ka nang 12 pieces ng Black Mamba Overload Mozarella Cheese.
Isang pasabog na parang nuclear sa lakas ang kanilang Hiroshima Okonomiyaki na isang uri ng pancake sa Japan. Mayroon itong pork floss at seafood flakes. For only P120.00 lang per order ay mayroon ka nang legit na Japanese meryenda.
Sa bawat innovations na ginagawa nila sa kanilang mga produkto ay ang mga customers ang nakikinabang. Ang walang patid na pananaliksik at pag-imbento ng bagong produkto ay isang senyales na magaling na negosyo ang inyong sinusuportahan. Dahil walang ibang nais sila kundi ang mabigyan kayo ng bago, sariwa at kakaibang produkto na wala sa iba.
Patuloy din ang paglawak ng reach ng Pinoyaki dahil madami na din ang kanilang branches nationwide. Nariyan ang 5 branches sa Tondo kabilang na ang main branch na Bangkaso Court, Wagas Market, Tondo High School, Herbosa, Balut at Gagalangin.
May iba't ibang branches din sila sa Metro Manila, Luzon at Visayas.
Patuloy ang commitment ni Sir Jayson sa kanilang mga franchisees. Bukod sa libreng trainings, equipment, products, at food stall ay patuloy rin ang maayos na paggabay niya sa mga ito. Ang mabuting relasyon na kanyang ine-establish sa kanyang mga business partners, clients, suppliers at employees ang isa sa mga susi sa tagumpay ng kanyang negosyo.
Ayon kay Sir Jayson, patuloy niyang pagbubutihan ang Pinoyaki dahil sa dami ng natulungan nitong mga tao simula ng ito ay itinayo. Ang goal niya ay hindi lang kumita kung hindi makapagbigay hanapbuhay sa kagaya niya na nawalang ng trabaho dulot ng pandemya. Ang Pinoyaki ay hindi naapektuhan kahit umulan o umaraw man. May ECQ o lockdown man dahil tuluy-tuloy ang pagtangkilik ng mga tao dito.
Kung ako ang tatanungin ang Pinoyaki ang pinakamatagumpay na takoyaki store sa buong Tondo. Hindi lamang sa sarap at dami ng produkto at branches nito kung hindi dahil sa puso na mayroon ang kumpanyang ito. Yung pusong hindi pera lamang ang iniisip kung hindi ang kapakanan ng iba at nang maraming tao.
Yan ang mga pinagkaiba ng takoyaki na ito ng Tondo. Sarap at puso na ikakalat sa buong Pilipinas upang maging Pambansang Takoyaki ng Bayan!!! Subukan ang Takoyaki ng Bayan - PINOYAKI!!! Baka ikaw na lang hindi nakakatikim? Nakakakalat na sa Tondo, sa Metro Manila at mga probinsya ang takoyaki ng bayan. Puntahan mo na! Hindi lang basta-basta takoyaki ito. Nilagyan ngmga twists para maiba naman ang dating para sayo. Ang kauna-unahang CHOCOLATE DESERT SERIES TAKOYAKI original recipe matitikman lang sa Pinoyaki available na!!! 😋 👉Nutella Almond Choco Takoyaki 👉White Choco Caramel Takoyaki 👉Oreo Dark Choco Takoyaki 𝚃𝙰𝙺𝙾𝚈𝙰𝙺𝙸🇯🇵 ✅Single 𝟔 𝐏𝐂𝐒 Php55 ✅Double 𝟏𝟐 𝐏𝐂𝐒 Php110 ✅Family 𝟐𝟒 𝐏𝐂𝐒 Php220 Meron din silang halo-halo na tiyak mare-refresh ka sa sarap at lamig. Meron din silang halo-halo na tiyak mare-refresh ka sa sarap at lamig. PINAKA-BEST COMBO ng TAKOYAKI at HALO-HALO at FRESH SHAKE SA MAYNILA‼️ ℙ𝟙𝟛𝟘 - ℙ𝕀ℕ𝕆𝕐𝔸𝕂𝕀 ℙ𝕣𝕠𝕞𝕠 ℂ𝕠𝕞𝕓𝕠 🥤🐙 Bukohalo + 6 pcs. Takoyaki 🥤🐙 Ubehalo + 6 pcs. Takoyaki 🥤🐙 Choco + 6 pcs. Takoyaki ℙ𝟙𝟝𝟘 - ℝ𝕆ℚ𝕌𝔼 ℙ𝕣𝕠𝕞𝕠 ℂ𝕠𝕞𝕓𝕠 🥤🐙 Fresh Avocado Shake + 6 pcs. Takoyaki 𝐵𝑎𝑔𝑎𝑦 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑖𝑛𝑖𝑡 𝑛𝑎 𝑝𝑎𝑛𝑎ℎ𝑜𝑛 𝑝𝑎𝑔 𝑛𝑎𝑡𝑖𝑘𝑚𝑎𝑛 𝑚𝑜 𝑠𝑖𝑙𝑎 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑠𝑎𝑠𝑎𝑏𝑖 𝑚𝑜 𝑠𝑎 𝑃𝑖𝑛𝑜𝑦𝑎𝑘𝑖 𝑙𝑎𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑃𝐴𝑁𝐴𝐿𝑂🤘 Pɪɴᴏʏᴀᴋɪ Rᴇғʀᴇsʜᴍᴇɴᴛ Sᴜᴍᴍᴇʀ Eᴅɪᴛɪᴏɴ Sᴏʟᴏ (Php80 ᴏɴʟʏ) ☝🏻Yorme 𝘽𝙐𝙆𝙊𝙃𝘼𝙇𝙊 ✌🏻Binay 𝙐𝘽𝙀𝙃𝘼𝙇𝙊 👊🏻Vico 𝘾𝙃𝙊𝘾𝙊 🤜🏻Roque 𝘼𝙑𝙊𝘾𝘼𝘿𝙊 (Php100 ᴏɴʟʏ) Visit them on the following branches:
Order here: https://www.facebook.com/AngTakoyakingBayan https://www.facebook.com/AngTakoyakingBayan https://www.facebook.com/AngTakoyakingBayan #WhenInTondo #SarapSaTondo #TakoyakiNgBayan abahan ka na Macau Imperial
Mula sa flavors, packaging, dining area set up, signages, staff uniform, at services ay mararamdaman mong top of the line lahat. Kada maliit na detalye ay sadyang binibigyan ng pansin. Kaya may pagka-high end ang peg pero yung presyo ng milktea nila ay abot-kaya. Kumbaga sa hotel ay makaka-experience ka ng Okada o City of Dreams na milktea version. Or Starbucks na milktea version. Ganun ang quality at service ng Qualitea Milk Tea - Gagalangin Tondo. BEST-SELLER PREMIUM MILKTEA P130 Grande P110 Tall
P110.00 Grande P90 Tall
Visit them at Del Fiero St. Gagalangin, Tondo, Manila 11:00 AM to 11:00 PM For inquiries and deliveries, you may contact their page: https://www.facebook.com/QualiTeaMilkTeaGagalanginTondo/ https://www.facebook.com/QualiTeaMilkTeaGagalanginTondo/ https://www.facebook.com/QualiTeaMilkTeaGagalanginTondo/ Shopping and Dining? Follow us here: https://www.facebook.com/shopanddinemnl Subscribe to our YT channel: https://www.youtube.com/c/ryeanteevee18 Join our Facebook group: https://www.facebook.com/groups/shopanddinemnl Para sa madami pang food trip at inspiring stories, follow nyo ako sa: https://www.facebook.com/ryeanteevee18/ IG/Toktok: @ryeanteevee18 Support our cause for youth, Tondo Youth Pataas : https://www.facebook.com/tondoyouthpataas/ For product promotion and collaboration, please e-mail [email protected] or DM us on our page: https://www.facebook.com/whenintondomnl #WhenInTondo #SarapSaTondo #supportlocalbusiness |
AuthorRyean TeeVee Archives
October 2021
Categories
All
Ryean TeeVeeWhen In TondoTondoriffic Vlogs |