Mahirap ang buhay ngayon lalo na ngayong pandemya. Kailangan lagi kang madiskarte sa lahat ng bagay. Bukod sa pagiging madiskarte sa paggawa ng pera ay dapat madiskarte ka din sa paggastos nito lalo na sa basic na pangangailangan ng pamilya gaya ng pagkain. Bigyan ko kayo ng tips para makamura sa pamimili ng mga grocery items. 1. BUMILI NG BULK Syempre kapag mas madami kang mabibili eh mas makakamura ka. Madaming tindahan o kahit sa palengke at supermarkets na kapag mas madami nabili mo eh mas malaking discounts ang makukuha mo. 2. MAG-AVAIL NG SALE ITEMS Maghanap ng mga sale items o may promos sa mga groceries. May mga disocunts, Buy 1 Take 1, may freebies o kaya ay bundles. Sa ganyang paraan ay makakatipid ka sa iyong pamimili. 3. MAGTYAGA MAGHANAP AT UMIKOT NG MURANG PRODUKTO The best kung marunong kang magtyaga sa paghahanap ng mga murang grocery items gaya ng gatas, palaman, noodles, meat products, dry goods at iba pa. Kung may tyaga ay may nilaga ika nga. Huwag sunggab ng sunggab. Mag-canvass ka para mas makahanap ka ng maayos na mabibilhan mapa-online man o sa mga supermarkets o palengke. May isang online shop na makakakita ka ng mga murang produkto na ni-repacked or factory pullouts. Sila yung mga di nakapasa sa standard ng quality ng mga kilalang brands gaya ng Bear Brand, Milo, Great Taste, Kopiko, Lady's Choice, Hersheys, Jollibee, Swiss Miss at iba pa. Original brands sila pero mga hindi sila nakapasa sa quality control ng kumpanya. Pero its still safe and pwede i-consume ng lahat. Mababa ang presyuhan kasi nga factory pull out siya. Matagal pa ang mga expirations nito. The best para sa mga nagtitipid at kapos sa budget pero gusto pa din tikman ang mga paborito nilang mga brands. Mababa ang bigayan ng Shop and Dine MNL Online Store kasi wholesaler sila. Pwedeng i-pick up sa Varona Street (Ugbo) para mas lalo ka makatipid sa delivery fees. Scroll for items and message the page para makatipid. Click here. 4. HUWAG RUSH PALAGI
Minsan sa sobrang pagmamadali natin ay di na tayo nakakapamili ng maayos kasi nga nagmamadali tayo. Bigyan natin ng oras ang pamamalengke o paggro-grocery. Kasi kapag tayo ay nagmamadali eh mapipilitan lagn tayo na kunin kung ano lang ang nasa harap natin o available sa oras na iyon. Ilan lamang yan sa mga tips na mabibigay ko para makabawas sa gastusin sa bahay. Dahil ang pagigng madiskarte ay hindi lamang sa pagtatrabaho o paghahanapbuhay o negosyo kung hindi sa paggastos din. Don't forget to follow my social media accounts and subscribe to my YouTube Channel.
Nagsulputang parang kabute ang mga takoyaki sa Pilipinas lalo na sa Tondo. Kahit saang kanto at kahit saang online groups ay may nagtitinda ng kanya-kanyang takoyaki. Pero may isang takoyaki store na sobrang naiiba sa lahat. Yung tindahan nila ay hindi mananatiling simpleng tindahan ng takoyaki. Ito ang store na patuloy na umiikot ang lasa at nagdadagdag ng kakaibang twists sa mga produkto nito para sa ikasisiya ng mga tao.
Meet PINOYAKI - Ang Takoyaki ng Bayan. Nagsimula ang Pinoyaki sa gitna ng pandemic nitong 2021 na kung saan mayroon lamang itong mga basic na flavors gaya ng octopus, crab, bacon, cheese at ham sa isang maliit na food stall sa loob ng basketball court sa Pavia Street, Tondo. Kasama nito ang lemonade at baked sushi sa kanilang mga tinitinda. Sa halagang P55.00 ay mayroon ka nang 6 pieces na takoyaki kumpara sa ibang tindahan na 4 pieces lamang ay P50.00 na. Gayundin, sa halagang P100.00 ay mayroon ka nang 12 piraso ng takoyaki. Ngunit hindi ito yung ordinaryong takoyaki mo. Tinimplahan ito na swak na swak sa panlasang Pinoy. Andun pa din ang classic taste ng takoyaki pero mas pinalinamnam at pinasarap Pinoy-style. Kaya nga siya tinawag na takoyaki ng bayan dahil kuhang-kuha nito ang panlasa natin.
Hindi papaawat ang lamig ng Roque Avocado Fresh Shake, Binay Ube Halo, Vico Chocolate Shake, Yorme Fresh Buko at ang kanilang Ayuda Scramble. Swak na swak na tandem ng takoyaki food trip ang mga ito kaya nagkaroon pa sila ng combo meal na super budget meal. Sa halagang P130.00 ay mayroon ka nang 6 pieces takoyaki at isang cold drinks. Maliban sa avocado shake na P150.00 isang combo. Pero kung solo shake lang ay P80.00 lahat maliban sa avocado shake na P100.00. Ibang klaseng meryenda ito.
Nitong June 2021 ay naglabas sila ng kauna-unahang takoyaki desert chocolate series. Lumalaban sa patamisan at sarap ang Nutella Almond Choco Takoyaki, White Choco Caramel Takoyaki at ang Oreo Dark Choco Takoyaki.
Lalo pa nilang pinalakas ang product line nila ng pumasok ang pinaka-latest na Black Mamba Takoyaki at Hiroshima Okonomiyaki. First black takoyaki sa Tondo na dinagdagan pa more ng squid ink at melted overload mozarella cheese sa ibabaw. For only P150.00 ay mayroon ka nang 12 pieces ng Black Mamba Overload Mozarella Cheese.
Isang pasabog na parang nuclear sa lakas ang kanilang Hiroshima Okonomiyaki na isang uri ng pancake sa Japan. Mayroon itong pork floss at seafood flakes. For only P120.00 lang per order ay mayroon ka nang legit na Japanese meryenda.
Sa bawat innovations na ginagawa nila sa kanilang mga produkto ay ang mga customers ang nakikinabang. Ang walang patid na pananaliksik at pag-imbento ng bagong produkto ay isang senyales na magaling na negosyo ang inyong sinusuportahan. Dahil walang ibang nais sila kundi ang mabigyan kayo ng bago, sariwa at kakaibang produkto na wala sa iba.
Patuloy din ang paglawak ng reach ng Pinoyaki dahil madami na din ang kanilang branches nationwide. Nariyan ang 5 branches sa Tondo kabilang na ang main branch na Bangkaso Court, Wagas Market, Tondo High School, Herbosa, Balut at Gagalangin.
May iba't ibang branches din sila sa Metro Manila, Luzon at Visayas.
Patuloy ang commitment ni Sir Jayson sa kanilang mga franchisees. Bukod sa libreng trainings, equipment, products, at food stall ay patuloy rin ang maayos na paggabay niya sa mga ito. Ang mabuting relasyon na kanyang ine-establish sa kanyang mga business partners, clients, suppliers at employees ang isa sa mga susi sa tagumpay ng kanyang negosyo.
Ayon kay Sir Jayson, patuloy niyang pagbubutihan ang Pinoyaki dahil sa dami ng natulungan nitong mga tao simula ng ito ay itinayo. Ang goal niya ay hindi lang kumita kung hindi makapagbigay hanapbuhay sa kagaya niya na nawalang ng trabaho dulot ng pandemya. Ang Pinoyaki ay hindi naapektuhan kahit umulan o umaraw man. May ECQ o lockdown man dahil tuluy-tuloy ang pagtangkilik ng mga tao dito.
Kung ako ang tatanungin ang Pinoyaki ang pinakamatagumpay na takoyaki store sa buong Tondo. Hindi lamang sa sarap at dami ng produkto at branches nito kung hindi dahil sa puso na mayroon ang kumpanyang ito. Yung pusong hindi pera lamang ang iniisip kung hindi ang kapakanan ng iba at nang maraming tao.
Yan ang mga pinagkaiba ng takoyaki na ito ng Tondo. Sarap at puso na ikakalat sa buong Pilipinas upang maging Pambansang Takoyaki ng Bayan!!!
Alam ng marami na naiikot ko ang mga kainan o restos dito sa Tondo dahil sa When In Tondo. Marami sa aking mga kaibigan ang nagtatanong kung ano ang mga bests na kainan sa Tondo. Nahihirapan akong sagutin kasi nga eh napakarami nila.
Kaya ang gagawin ko ngayon ay i-share ko sa inyo ang mga napuntahan kong mga kainan according sa category nila. Mayroon kasing tumbungan (which is quite popular and unique sa Tondo), unli samgyup, unliwings, milktea shop, burger store, steak house at madami pang iba. Pag-uusapan natin lahat ng 'yan. Please take note lang po na ang mga ililista ko dito ay akin lamang mga napuntahan o nabisita. Ito yung mga na-review ko na personally dati. Hindi po kasama dito yung mga di ko pa na-visit. Kasi di ba? Paano ko sila mahuhusgahan kung di ko pa naman natitikman o napupuntahan. Para fair lang eh itogn mga listahan ko na ito ay mga napuntahan ko lamang po. Huwag po tayong maghanap ng wala dito. Haha.. Kung gusto nyo pong mapasama sa listahan ay dapat po mabisita po muna namin kayo. You can message siya sa When In Tondo page o kaya ay basahin ang blog na ito. Umpisahan natin sa paborito ng madami - ang UNLIWINGS!!! Ngayong araw ay mga BEST UNLIWINGS SA TONDO ang ating pag-uusapan. Isa ito itong chicken wings sa mga naunang maging unli sa Tondo. Naging paborito ko sya dahil sa iba't ibang flavors na meron siya. Narito na ang Best Unliwings ni Ryean TeeVee at When In Tondo ngayong 2021 (in no particular order): 1. WILD WINGS UNLIMITED Location: 3108 Abucay St. (corner Hermosa St) Manuguit, Tondo Facebook: https://www.facebook.com/WildWingsUnlimited Isa sa pinakapaborito ko ng unliwings ito dahil ang sasarap at unique mga flavors dito. *Sisig Wings *Sinigang Wings *Takoyaki Wings *Creamy Mushroom *The Wild One Read more here: https://www.facebook.com/whenintondoph/posts/433073821472429
2. LEGENDARY WINGS
Location: 1528 N. Zamora St. Tondo, Manila Facebook: https://www.facebook.com/unliwingss Ito ang kauna-unahang unliwings na aking napuntahan. Dami nilang flavors din. Pero ngayon ay hindi lang unliwings meron sila. Sa halagang P249 ay mayroon ka nang unliwings unlipasta, unlipizza, unlijuice, unlifries, at unlirice. Watch my vlog here: https://www.youtube.com/watch?v=znP_Clf0k4c
3. ON THE WINGS OF LAV
Location: 1379 J. Nolasco St. Tondo, Manila Facebook: https://www.facebook.com/otwolav Masarap yung signature flavor ng OTWOL plus yung java rice nila. Kahit maliit yung store pero maaliwalas ang ambiance. May unli din sila na 399 pero kasama ang frappe, wings, rice, fries, pasta at sandwich. Read more here: https://www.facebook.com/whenintondoph/posts/410106233769188
4. MR. PAKBOY UNLIWINGS
Location: 2029 Dagupan Extension corner Yuseco St. Tondo Manila (Cortez Tower, besides D Salas Kainan) Facebook: https://www.facebook.com/mrpakboyunliwings Sa angas pa lang ng store pakboy na pakboy na. Paano pa kaya kapag kinain mo na? One of my favorite kasi sarap lang tambayan. Tapos may beers din silang ino-offer. Read more here: https://ryeanteevee.weebly.com/whenintondo/pakboy-na-pakboy
5. DOC WINGS
Location: 2906 Juan Luna St. Gagalangin, Tondo, Manila Facebook: https://www.facebook.com/docwings Sa mga mahihilig sa One Piece eh ito ang tema ng mga stores nila. Originally ay sa Gagalangin ang Doc Wings. Laging pinipilahan at napakarami ng waitings. Pioneer sa unliwings sa Tondo. Ngayon ay mayroon na silang 6 branches sa Metro Manila.
6. WHISPER WITH WINGS
Location: 2709 Juan Luna Street Gagalangin, Tondo, Manila (2nd floor of Mang Nato's Tapsilogan) Facebook: https://www.facebook.com/whisperwithwingsunliwings isa ito sa malaking unliwings na napuntahan ko. Kayang mag-accommodate ng madaming customers. Masasarap ang flavors nila. Read more here: https://www.facebook.com/whenintondoph/posts/393183878794757
7. MANG PAKPAK TONDO
Location: 448 Herbosa St. Tondo, Manila Facebook: https://www.facebook.com/mangpakpaktondo Paborito ko dito yung salted egg nila na flavor. Sarap eh. Watch my vlog here: https://www.youtube.com/watch?v=5B-oqSXhGI8
8. URBAN WINGS
Location: 546 Del Fierro St, Gagalangin, Tondo, Manila Facebook: https://www.facebook.com/Urban-Wings-108825977914963 Isa sa pinakabagong unliwings sa Tondo. Bandang Gagalangin siya. Kung gusto mo na medyo modern ang ambiance ay dito ka na dumirecho. New York ang peg. Read more here: https://www.facebook.com/whenintondoph/posts/448127376633740
9. IT'S TIME UNLIWINGS
Location: 1st branch: 610 Moriones St. corner Zamora St., Brgy. 6, Tondo Manila (Landmark 711, Near Best Friends Moriones Stoplight) 2nd branch: Jacinto St., corner Roxas St., Brgy 100, Tondo, Manila (near Antonio J. Villegas Highschool) Facebook: https://www.facebook.com/itstimeunliwings Itong store na ito ay nagsimula nuoong pandemic sa maliit na pwesto sa Jacinto. Hanggang sa lumaki at nagkaroon pa ng 2nd branch. Panalo naman kasi dito! Read more here: https://www.facebook.com/whenintondoph/posts/430739478372530
Ayan na nga ang siyam (9) na malulupit na unliwings sa Tondo. Isa-isahin nyo na po silang bisitahin. Suportahan po natin ang mga small businesses. Tayo-tayo ding taga-Tondo ang magtutulungan pataas! Abangan nyo pa ang iba pang foodtripan dito sa Tondo!!!
Subscribe to my YouTube channel: https://www.youtube.com/c/RyeanTeeVee18 Follow me on TikTok/ Instagram/ Twitter: @ryeanteevee18 Kung gusto nyo po ma-feature sa When In Tondo or dito sa Ryean TeeVee website ay i-message nyo lang po kami dito upang mapag-usapan ang aming pagbisita sa inyong store. Click here and leave us a message. Mula sa foodtripan, chocolate stores, bakery, milktea shops, salon, spa, fitness center, food parks, online store, punerarya, car wash, engine oil, packaging materials, clothing line at kung anu-ano pang produkto ay nai-promote na ng When In Tondo sa loob ng halos apat na taon nitong pamamayagpag sa social media ng Tondo. Bakit nga ba madaming nagtitiwalang magpa-promote ng kanilang mga produkto sa When In Tondo? Halos 200 small businesses na mula sa loob at labas ng Tondo ang lumalapit sa When In Tondo upang sila ay matulungan. Susubukan nating sagutin ang katanungan na 'yan sa blog na ito. #1 REACHED Ngayong August 2021, ay umaabot na sa mahigit 50,000 followers na ang nakasubaybay sa bawat post ng page araw-araw. Ito ang bilang ng mga netizens na maaaring makakita ng inyong produkto. Sila din ang mga tao na posibleng mag-share sa kanilang mga kapamilya at kaibigan. Patuloy na lumalaki pa ang mga bilang ng followers ng When In Tondo araw-araw. Pinapangarap pa natin umabot sa mahigit 1 million followers ang mga ito upang mas madami pa tayong matulungang mga small businesses. Sa latest Facebook page insights ay umabot na ng 5 million people reached ang When In Tondo sa loob lamang ng isang buwan mula Hulyo 7, 2021 hanggang Agosto 3, 2021. Mataas ito ng 284% mula sa nakaraang buwan. Umabot naman sa 3,714 people reached ang Story o my Day ng page sa parehas na panahon na 144$ na mas mataas kumpara nuong nakaraang buwan. Mayroon namang 950,100 ang engagement reached ng page na 271% na mas mataas kumpara nuong isang buwan. Ang engagement reached ay ang paraan ng Facebook upang kwentahin ang total number ng mga reactions, shares, likes, clicks at comments ng isang post. Samantala, mayroong 1.6 million video views naman ang page na mas mataas ng 3135% mula nuong isang buwan. Ito ay matapos na mag-focus ang When In Tondo ng paggawa ng mas madaming video contents. #2 HONEST REVIEW Dahil sa kakaiba nitong uri ng pagsusulat ng mga katangian ng mga produkto at tindahan ay lubos na pinagkakatiwalaan ang When In Tondo sa pag-review ng mga ito. Ang bawat review ay pawang tapat na pagkilatis ni Sir Ryean TeeVee sa mga produkto. Madalas ay mga pagkain at kainan ang mga nagpapa-review sa When In Tondo. Kahit hindi isang chef o lehitimong food reviewer si Sir Ryean TeeVee ay makikita mo ang sinseridad ng bawat salita na kanyang binibitawan sa bawat review. Ang kanyang reviews ay mula sa perspective ng isang ordinaryong tao na nais ng isang masarap na pagkain at magandang serbisyo. Kailanman ay hindi naglalagay ng negatibong komento si Sir Ryean TeeVee dahil layunin ng When In Tondo ang iangat ang kalagayan ng mga negosyo sa Tondo. Kung mayroon man itong hindi nagustuhan sa review ay agad nitong iniuulat ang mga bagay na dapat na i-improve sa pagkain o sa tindahan. #3 IT GIVES RESULTS Sa madaming pagkakataon ay nagbibigay ng magandang resulta ang mga food reviews o advertisements ng mga small businesses sa When In Tondo. Ito ay marahil sa dami ng mga taong nakakakita sa page at sa mga napakagandang produkto at serbisyo sa Tondo. May ilang mga kwento na agarang tumaas ang benta nila matapos mag-post o mag-viral ang kanilang tinda through us. Nabibigla ang ilang mga negosyante ng biglaang paglakas ng kanilang mga benta matapos ang aming reviews. #4 MURA AT SULIT Palagian kong sinasabi na ang pagpapa-advertise o promote ay isang investment sa negosyo at hindi siya expense. Kumbaga, hindi siya kagaya ng ibang pinagkakagastusan natin sa ating mga negosyo dahil ang pagpapa-promote especially sa mga bloggers/vlogeers ay nagbibigay ng return of investment dahil sa new customers na pinapasok nito sa ating mga negosyo. Sa When In Tondo, ay sulit ang lahat ang lahat ng ini-invests mo dahil may magandang resulta sa dami ng mga nakakakita ng iyong negosyo. Sa maliit na halaga ay mas madaming reached na ang maabot. Ano nga ba ang kapalit ng ibibigay mo sa When In Tondo? Una, mayroon kang food review na pagbabasehan ng integridad ng iyong tinitinda. Pangalawa, may mga photos ka pa na maaari mong magamit na libreng ibibigay ng WIT. Pangatlo, tinutulungan pa lalo ang negosyo dahil pino-post din ang review sa iba't ibang Facebook groups sa Tondo at sa website ni Ryean TeeVee (www.ryeanteevee.weebly.com). Makikita natin na hindi lang basta-basta ang tulong na binibigay ng WIT sa mga negosyante. Sinisiguro nito na malawak at maraming tao ang makakakita ng bawat reviews nito. Sulit na sulit talaga. Bakit? Dahil kapag nagpa-Facebook Ads ka ay halos parehas lang din ang resulta. Ang ikinaganda lamang ng WIT ay halos puro taga-Tondo ang active followers nito. Pangalawa, may mga freebies din na posting sa website na nagkakahalaga din ng libong piso kapag nagpagawa ng articles. Ganyan sa When In Tondo. Ang tanging nais lang namin ay matulungang maiangat ang mga negosyo sa Tondo habang kami din ay natutulungan sa aming adbokasiya. Nais namin ay sabay-sabay tayong umangat hanggang pare-parehas natin maabot ang ating mga pangarap sa buhay.
Sa mga nais, magpa-promote o advertise ay narito ang mga rates ng When In Tondo as of August 1, 2021: Regular Rate: P2,500 - Product review with store visit - Posting of review at Shop and Dine MNL Facebook page - Posting of review on at least 15 Tondo Facebook groups - Posting of review at Ryean TeeVee website (www.ryeanteevee.weebly.com) - Free use of photos by client * Inclusive of transpo fee and product samples for 5 pax Promo Alert!!! P1,000 only from August 1 to 31, 2021 Basic Rate: P500 - Product review (no store visit) - Posting of review at Shop and Dine MNL Facebook page - Free use of photos by client * Inclusive of transpo fee and product samples for 5 pax Mag-message lamang sa When In Tondo Facebook page (https://www.facebook.com/whenintondoph) upang magpa-book ng schedule o para sa karagdagang impormasyon. PRIDE OF TONDO AT #TOKYO2020 OLYMPICS
Ernest John Uy Obiena is a Filipino pole vaulter. Before breaking the Asian Athletics Championships record, he held the Philippine national record in pole vaulting with a record of 5.55 meters which he accomplished on April 29, 2016 at the 78th Singapore Open Championships in Kallang, Singapore. He later broke the Asian Athletics Championships record with 5.71 meters on April 21, 2019 on its 23rd biennial meet at Doha, Qatar which earned him the coveted gold medal finish. He currently holds the National Record which he broke in the same event. Ernest "EJ" Obiena was born to track and field athletes, Emerson and Jeanette Obiena on November 17, 1995 in Tondo, Manila. Obiena attended the Chiang Kai Shek College for his secondary education and later entered the University of Santo Tomas for his college studies. Make our country proud!!! GO FOR THE GOLD EJ! We will pray for your Olympic journey!!! #WhenInTondo Ang paborito nating Original Cheesecake Tubs ng Revilla's Sweet Desserts ay mas lalong pinalakas at pinasarap dahil sa pinakabago at napakaganda nilang store sa Gagalangin. 🍰Cheesecake 🍗Fried Chicken 🍝Pasta 🍠Mojos 🥔Potato Twirl 🧋 Milktea 🧋Frappe 🧋Fruit Tea 🏪Cozy atmosphere (parang nasa ibang lugar ka sa kasosyalan ng place) 🏪Fully-airconditioned 🏪Cavite Street, Barangay 167, Gagalangin, Tondo, Manila (near Lakan Dula High School) ⏲️2:00 PM to 11:30 PM 🏍️Delivery also available Honestly ah, para kayong pumunta sa mamahaling restaurant o hotel kapag andun kayo sa loob ng store. Bukod sa pang-hotel din ang mga pagkain sa lasa at presentation. Huwag na tayo magbolahan pa. Isa ito sa best na restaurant sa Tondo!!! For inquiries and orders, please follow their Facebook page: Revilla's Sweet Desserts Follow nyo na din ako guys, for more food trip sa Tondo: YouTube: https://www.youtube.com/c/RyeanTeeVee18/ #WhenInTondo #SarapSaTondo #SupportLocalBusiness Power magpalinis ng kotse at motor dito sa The Good Wash Auto Salon. Lalong popogi mga sasakyan nyo dahil sa goods na goods na paglilinis ng mga ito.💦 Lawak ng place at perfect ang customer's lounge habang naghihintay ka linisin ang iyong tsikot. Air-conditioned, may free drinking water at rest room pa.📺 Ganda ng customer service. Boss na boss ka dito‼️🛋️ May Loyalty Card din sila ngayon kung saan kada 5 visit mo ay free na carwash mo on your next visit or discount sa detailing service. 🕗8:00 AM - 8:00 PM, Monday to Sunday 📍468 Cavite Street, Gagalangin, Tondo, Manila 🌏 The Good Wash Auto Salon For questions and inquiries, follow their page: https://www.facebook.com/thegoodwashautosalon/ https://www.facebook.com/thegoodwashautosalon/ https://www.facebook.com/thegoodwashautosalon/ #WhenInTondo Perfect combo kapag bumisita ka sa Ugbo yung Tiger Brown Sugar at ng Franks ng Sateasfy Tondo.
Pure milk base yung Tiger Brown Sugar nila. Refreshing at ma-satisfy ka talaga. 🍫Oreo 🌰Nutella 🍒Fruit Tea (Yakult Series) 🧀Creamcake and Cheesecake series 🍓Special Flavors 👩❤️👨Buy 1 Take 1 on Milk Tea 🥤🌭Milk Tea + Snacks Combo (Save P10 to P15) For orders and inquiries, please follow their page: Sateasfy Tondo #WhenInTondo #SarapSaTondo Its my second visit sa Journee skin and wellness spa pero di pa lagi pa din ako na-amaze sa ganda ng lugar at serbisyo. Isa sya sa most elegant spa sa Tondo.🌹 Meron silang facial, body slimming, gluta, eyelash, nails and massage services.😍 💅 Spa Services: 🌺Facial (basic, diamond peel, intensive acne treatment, etc.) 🌺Body slimming (RF face and neck tightening, Lipocavitation, Laser Lipolysis, RF body tightening, etc.) 🌺Diode Laser Hair Removal (Upper lip, face, armpit, brazillian, legs, arms, etc.) 🌺Gluta services (Cindella, Snow white, Glutax, Aqua Skin, etc) 💅Nails (manicure, pedicure, footspa, nail extension, etc.) 👁️Eyelash (perming, extension) ✨Body Massage (swedish, thai, shiatsu, combination, etc.) 🛋️SPA FACILITIES: ▪️10 King Throne Chairs ▪️7 Massage Room ▪️3 Facial Room ▪️1 Comfort Room 🗺️Waze: Journee Skin and Wellness Spa 📍Juan Luna St. corner Raxabago Street Manila (near Puregold Tayuman Pritil) 📱09274768877 / 09659389834 Follow them on Facebook: https://web.facebook.com/Journeeskinspa https://web.facebook.com/Journeeskinspa https://web.facebook.com/Journeeskinspa #WhenInTondo #JourneeSpa Yes mga repa‼️ May Mr. Pakboy Unliwings na pwedeng tambayan at pag-foodtripan sa Dagupan Ext. 🐔🐷 Angas ng red LED lights sa taas. Pang-IG na pang-DP pa. 😍 Ganda ng ambience at set up ng place. Yung mural logo nila solid din. May 2nd floor na Japanese style ang uupuan. Perfect sa mga gustong sumalampak habang kumakain. Panalo din ang 11 flavors nila at maglalabas pa ng 14 more soon🤤 📍Visit na sa 2029 Dagupan Ext. corner Yuseco St. Tondo, Manila (Cortez Tower) 🕒3:00 PM onwards Follow on Facebook: https://www.facebook.com/mrpakboyunliwings/ https://www.facebook.com/mrpakboyunliwings/ https://www.facebook.com/mrpakboyunliwings/ #WhenInTondo #SarapSaTondo #RyeanTeeVee |
AuthorRyean TeeVee Archives
October 2021
Categories
All
Ryean TeeVeeWhen In TondoTondoriffic Vlogs |