Lumabas ng Tondo ang Tondo Youth Pataas upang tulungan ang mga nasunugan sa Onyx, San Andres Bukid, Manila. Sa inisyatibo ni Ate Dayday at sa karagdagang tulong na ipinaabot ng La PRATO Steak House ay ating pinuntahan ang mga biktima ng sunog at nagpadala ng grocery pack, hygiene kit at meryenda. 150 families ang ating naabutan ng tulong sa nasabing barangay. Ang mga youth volunteers ng TYP ang siyang tumulong sa manpower ng nasabing operasyon. Salamat din po sa mga barangay officials at tanod. Muli, nagpapasalamat kami sa pagtitiwala sa aming organisasyon. Kami ay patulong na makikipag-ugnayan sa aming mga partners upang lalong makatulong sa ating mga kababayan. Glory to God!!! #TondoYouthPataas #SanAndresFire #LaPrato
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorRyean TeeVee ArchivesCategories |