Ang mga miyembro ng TeenZtars ay sumalang sa acting workshops ng Star Academy Manila upang lalong maging bihasa sa larangan ng pag-arte sa pelikula at telebisyon. Ang Tondo Youth Pataas, isang youth organization na naglalayong palaguin ang talento at personality ng mga kabataan sa Tondo ay nakipag-partner sa Star Academy Manila upang bigyang pagkakataon ang mga kabataan na ma-enhance ang kanilang talento sa pag-acting.
Ang TeenZtars ay binubuo ng mga cute na kabataan na sina Baste Martin, Blue Mark Ocampo, Mark Anthony Segura at Richmon Bengan, Ang mga kabataang ito ay sinasanay ng Tondo Youth Pataas upang maging susunod na artists at social media influencers. Ang Star Academy Manila ay pinangungunahan ni Direk Randy Pimentel, isang guro, aktor at direktor ng mga short films sa Maynila.
Nagtutulungan ang dalawang nasabing organisasyon upang makabuo ng short film na pinamagatang "Si Rona at Si Kobi" na siyang ipanglalaban sa nalalapit na Gawad Sining Film Festival sa Octubre 2021. Ang nasabing pelikula ay kwento ng mga kabataan na nagkamabutihan sa gitna ng pandemya. Pinagbibidahan ito ng mga kabataan mula sa Baseco na sina Jake Nisola at Jennylyn Padero kasama sina Iyha Nicole Garin at Blue Mark Ocampo sa direksyon ni Randy Pimentel.
Ang ganitong klaseng mga activities sa mga kabataan ay malaking tulong upang lumabas ang buong potential ng mga ito kahit sa panahon ng pandemya. Ginagawa ng Tondo Youth Pataas at Star Academy Manila ang nasabing mga workshops ng libre sa mga kabataan na nagnanais matutong umarte. May mga libreng photoshoots din na ibinibigay sa mga interesadong kabataan ng Maynila. Para sa karagdagang impormasyon ay i-message lamang ang Star Academy - Tanghalang Kalinga at Tondo Youth Pataas sa kanilang mga Facebook page.
0 Comments
Matapos ang pamimigay sa San Andres Bukid ay tumungo din ang team ng Tondo Youth Pataas kasama si Ate Dayday upang mamahagi ng tulong sa mga evacuees ng Barangay 101 sa Tondo.
Ang mga tao sa Basketball Court ng Katuparan ay mga nilikas mula sa ilog dahil sa lupit ng panahon kamakailan. Agad nating inabutan ng kaunting tulong ang ilan nating kababayan. Nagpapasalamat kami kay Ate Dayday, La PRATO Steak House at sa lahat ng ating youth volunteers na nakasama. God bless everyone!!! #TondoYouthPataas #LaPrato Lumabas ng Tondo ang Tondo Youth Pataas upang tulungan ang mga nasunugan sa Onyx, San Andres Bukid, Manila. Sa inisyatibo ni Ate Dayday at sa karagdagang tulong na ipinaabot ng La PRATO Steak House ay ating pinuntahan ang mga biktima ng sunog at nagpadala ng grocery pack, hygiene kit at meryenda. 150 families ang ating naabutan ng tulong sa nasabing barangay. Ang mga youth volunteers ng TYP ang siyang tumulong sa manpower ng nasabing operasyon. Salamat din po sa mga barangay officials at tanod. Muli, nagpapasalamat kami sa pagtitiwala sa aming organisasyon. Kami ay patulong na makikipag-ugnayan sa aming mga partners upang lalong makatulong sa ating mga kababayan. Glory to God!!! #TondoYouthPataas #SanAndresFire #LaPrato |
AuthorRyean TeeVee ArchivesCategories |