Ang mga miyembro ng TeenZtars ay sumalang sa acting workshops ng Star Academy Manila upang lalong maging bihasa sa larangan ng pag-arte sa pelikula at telebisyon. Ang Tondo Youth Pataas, isang youth organization na naglalayong palaguin ang talento at personality ng mga kabataan sa Tondo ay nakipag-partner sa Star Academy Manila upang bigyang pagkakataon ang mga kabataan na ma-enhance ang kanilang talento sa pag-acting.
Ang TeenZtars ay binubuo ng mga cute na kabataan na sina Baste Martin, Blue Mark Ocampo, Mark Anthony Segura at Richmon Bengan, Ang mga kabataang ito ay sinasanay ng Tondo Youth Pataas upang maging susunod na artists at social media influencers. Ang Star Academy Manila ay pinangungunahan ni Direk Randy Pimentel, isang guro, aktor at direktor ng mga short films sa Maynila.
Nagtutulungan ang dalawang nasabing organisasyon upang makabuo ng short film na pinamagatang "Si Rona at Si Kobi" na siyang ipanglalaban sa nalalapit na Gawad Sining Film Festival sa Octubre 2021. Ang nasabing pelikula ay kwento ng mga kabataan na nagkamabutihan sa gitna ng pandemya. Pinagbibidahan ito ng mga kabataan mula sa Baseco na sina Jake Nisola at Jennylyn Padero kasama sina Iyha Nicole Garin at Blue Mark Ocampo sa direksyon ni Randy Pimentel.
Ang ganitong klaseng mga activities sa mga kabataan ay malaking tulong upang lumabas ang buong potential ng mga ito kahit sa panahon ng pandemya. Ginagawa ng Tondo Youth Pataas at Star Academy Manila ang nasabing mga workshops ng libre sa mga kabataan na nagnanais matutong umarte. May mga libreng photoshoots din na ibinibigay sa mga interesadong kabataan ng Maynila. Para sa karagdagang impormasyon ay i-message lamang ang Star Academy - Tanghalang Kalinga at Tondo Youth Pataas sa kanilang mga Facebook page.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorRyean TeeVee ArchivesCategories |