Wala pa ding patid ang pamimigay ng ayuda na P2,000 sa bawat senior citizens sa Tondo. Kasalukuyan nang nasa Sona 7 ang pag-iikot ng opisina ni Cong. Manny Lopez sa pangunguna pa din ng kanyang Chief of Staff na si Sir Mike Lopez. Ang ayudang ito ay malaking bagay na sa bawat senior citizens lalo na sa pambili ng maintainance na gamot at pagkain sa araw-araw. Hindi lingid sa atin na ang ating nakatatanda ay nahihirapan din sa buhay dahil na din sa edad. Kaya ang munting lingap na ito para sa kanila ay makakapawi kahit papano sa ilan nilang alaahanin. Tuluy-tuloy ang paminigay ng ayuda hanggang matapos na ang lahat ng sona at makangiti na ang lahat mg senior citizens ng Tondo. Nagkaroon na ng pagpupulong kamakailan sa Bulwagan ng Tondo ang mga representante ng bawat barangay sa Sona 8 dahil sila na ang susunod.
Pilit na iniikot ng team ni Cong. Manny ang bawat barangay upang maiwasan na ang pagbyahe ng mga lolo at lola natin. Konting tiis lamang po at makakakuha na po ang lahat. Abangan ang Team Manny Lopez sa inyong barangay.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorRyean TeeVee Archives
September 2021
Categories |