ANG SIGAW NG TUNDO
ni Rodel M. Jaboli Pakinggan mo O bayan, ang panaghoy ng tagaTundo, Imbing kalagayan nalugmok sa dusa’t pagkahapo Manhid na mga katawang nalubog sa pagkabigo ‘Di makapag-pumiglas sa kumunoy nang panlulumo. Kulimlim ng langit sa gabing nababalot nang lumbay, Hindi maapuhap ang landas sa kawalan ng gabay Mga paang nangangapa, takot mawalan ng malay Baka magising na lamang buhay ay wala ng saysay. Himno ng pighati’t lumagaslas ang pagsusumamo, Mga luhang dumadaloy sa lupang ipinangako Walang puknat na tumatangis ang matang nanlalabo Sakbibi ng hapis sa dustang damdaming nasiphayo. Hagupit nang pangigipit sa kalamna’y nagkalatay, Tinarakan ng patalim hanggang nagkagutay-gutay Hinayaang mabusabos, iniwang nakahandusay Kalunos-lunos na maralitang nag-aagaw-buhay. Sa pagkasubasob sa putikan, kuminang ang ginto, Hinulma ng katapangan na nag-ugat sa ninuno Nananatiling nananalaytay ang bagsik ng dugo Dumilig sa matagal ng tigang na lupang natuyo. Ang nanunuyot na labi, tamis na ngiti’y sisilay, Sulo ng ningas na apoy bitbit nang mariing kamay Babagtasin ang daanan sa minimithing tagumpay Kahit maging sa takipsilim malayang maglalakbay. Hindi na mabubulid sa bangin ng mga palalo, Kakapit sa lubid upang hindi tuluyang bumugso Buong tapang na aakyat hanggang marating ang dulo Hindi na matitinag kahit harangan man ng punglo. Bakas nang hirap ibabaon sa ilalim ng hukay, Ang aral na tumimo sa isip, magiging patnubay Dusang tiniis sanhi ng katarungang hindi pantay Babaguhin ng taas-noong pangarap na s’yang taglay. Karalitaan kikitlin nang matapat na pangako, Sama-samang kikilos upang tagumpay ay matamo Buong giting na titindig laban sa pang-aabuso At sa puso ay ipagmamalaking anak ng Tundo. Bangungot ng kahapon ihahatid sa huling lamay, Yayakapin ang bagong silang na pag-asang s’yang alay Sa pausbong na mga binhing tapang ay ipapanday Na magtatanggol sa lupang pinagbuwisan ng buhay. #WhenInTondo #AnakNgTondo #BatangTondo #SigawNgTondo
0 Comments
Sa taglay mong ningning at ganda ay napakadami ang nahuhumaling na makita ka. Mga dayo sa kalapit na lungsod at probinsya ay ninanais na ikaw ay mabisita. Oo, aminin natin na minsan nang nadungisan ang iyong pangalan. Sa mahabang panahon ay binaligtad nila ang katotohanan.
Ngunit lumipas na ang naturang panahon... Ikaw ngayon ay isa nang bayan na puno ng ilaw at pag-asa. Isang bayan na tahanan ng mga bayani at dakila. Bayan na may mga mamamayan na siyang dahilan kung bakit madaming naaakit at nahuhumaling na manatili. Mga residente na nagsisilbing bato-balani na siyang humahatak sa mga dayi upang mapamahal sa isang bayan na minsang nabansagang lugar ng mga kriminal. Tondo, limang letra pero puno ng ganda. Distrito sa Maynila na madaming namamangha dahil sa iyong kakaibang taglay. Mayroon kang ganda na hindi maipaliwanag at di mabitawan. Dadayuin at dadayuin ka. Babanggitin ang iyong pangalan para masabing proud sila dahil nasa Tondo sila. Proud sila dahil may kakilala silang taga-Tondo. Proud sila dahil nakapunta sila sa Tondo. Proud sila dahil masaya sa Tondo. Proud sila dahil naging bahagi ng buhay nila ang Tondo. Oh, Tondo. Oh, Tondo. Tunay na ikaw ay nagbabago. Mula sa Moriones, Delpan, Balut, Gagalangin, Velasquez, Herbosa at Ugbo. Walang tao na hindi nakakikilala sa'yo. Isa kang lugar na labis naming mamahalin. Isang lugar na paulit-ulit naming bibisitahin. Isang lugar na nagturo ng tunay na buhay sa amin. Mahal ka namin Tondo. 🇵🇭 Mahal ka namin. ❤️ By Ryean TeeVee 📸 Maxie Salivio Photography https://www.facebook.com/MaxieSalivioPhotography/ #WhenInTondo #WelcomePoKayoSaTondo 𝗧 𝗨 𝗡 𝗗 𝗢 🇵🇭
𝙵𝚊𝚜𝚝 𝙵𝚊𝚌𝚝𝚜 👉🏻2 ang distrito sa Lungsod ng Maynila 👉🏻8.81 km² ang total land area 👉🏻1012 (west) and 1013 (east) zip codes 👉🏻613,363 (2015) total population 👉🏻Ang pangalan ay mula sa salitang "tundun" o "tundok" 👉🏻"Tundo" sa Tagalog at "Tondo" sa Ingles 👉🏻26 public elementary schools 👉🏻11 public high schools 👉🏻Tahanan nila Andres Bonifacio, Lakan Dula, mga bayani at kilalang tao 👉🏻Popular Landmarks ☑️Sto. Niño de Tondo Church ☑️Divisoria ☑️Tutuban ☑️PNR ☑️Ugbo ☑️Manila North Harbour 👉🏻Food haven ng Maynila Tulungan nyopo kaming ipagmalaki at baguhin ang imahe ng Tondo. Ipagmalaki natin ang sariling atin. Iwasan na nating magbalita ng mga di kaiga-igayang pangyayari sa ating bayan. Walang dapat ikatakot sa Tundo. 𝐖𝐞𝐥𝐜𝐨𝐦𝐞 𝐩𝐨 𝐤𝐚𝐲𝐨 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐓𝐮𝐧𝐝𝐨!!! 🇵🇭 📸Ken Jover #WhenInTondo #SarapSaTondo #WelcomePoKayoSaTondo #BatangTondo #AnakNgTondo #TondoSinceBirth #TondoCartel #VloggeristNgTondo #TondorifficVlogs #ButiPaSaTondo #RyeanTeeVee PINAKAMALAKING PIER SA PILIPINAS
Alam mo ba na sa Tondo matatagpuan ang bahagi ng pinakamalaking port sa Pilipinas? Narito ang Manila North Harbour na kung saan ay may container at passenger terminal. Ang terminal na ito sa Tondo ay may lawak na 53 na ektarya at 7 berths. Narito ang North Port Passenger Terminal, 2Go home base at iba pang major ferry services. Kasama ng Manila North Harbour ang Manila South Harbour at Manila International Container Terminal upang mabuo ang pinakamalaking pier sa Pilipinas. Ang pier na ito ay malaki ang naiaambag sa kaban ng Lungsod ng Maynila dahil sa lawak ng operasyon nito. Marami ding mamamayan ng Tondo ang nagtatrabaho dito bilang office staff, truck driver, pahinante, porter at iba pang hanapbuhay. Ang Manila North Harbour ay matatagpuan sa Road 10 or mas kilala ngayon sa tawag na Mel Lopez Boulevard. 📸 Ken Jover
Masarap mag-alaga ng aso lalo na't siya ang happy pill mo at ng buong pamilya mo. Siya nga di ba ang man's best friend? Pero paano kung aso mo ang magiging dahilan bakit mababawasan ka ng P25,000? Teka, paano mangyayari yun?
Ayon sa Republic Act No. 9482 or Anti-Rabies Act of 2007 ay maaari kang pagmultahin o makulong kung sakaling di mo maalagaan mabuti ang iyong aso na magdudulot ng panganib sa ibang tao. Ayon sa naturang batas ay maaari kang mapatawan ng parusang multa kung ikaw ay magiging iresponsableng may-ari ng aso: 1. Ayaw pabakunahan ang alagang aso - P2,000 multa 2. Kapag nakakagat ang asong walang bakuna - P10,000 multa 3. Kapag nakakagat ang alagang aso at ayaw tulungan ng may-ari ang biktima - P25,000 multa 4. Kapag ayaw itali o ikulong ang alagang aso - P500.00 multa Kung sakaling hindi mo tutulungan ang biktima ng pagkakagat ng aso mo ay pagmumultahin ka ng P25,000. Ayon din sa Senate Bill No. 3189 ay ipinagbabawal ang pagkakalat ng dumi ng aso sa mga pampubliko at pribadong lugar matapos matuklasan na nakapagdudulot ito ng sakit sa tao, pagkakalat ng dumi ng aso sa kalsada, bahay, parke o sa lahat ng lugar na hindi pag-aari ng amo ng aso.
Kung hindi napigilan ang pagbawas nila sa mga ipinagbabawal na lugar, kinakailangang linisin agad ng may-ari o kung sino man ang may bitbit ng aso at itapon ang dumi sa basurahan.
Ang dumi ng aso ay nag-iiwan ng itlog ng roundworms at parasites sa lupa at nananatili sila doon kahit na ilang taon ang lumipas. Ang parasites na bitbit ng dumi ng aso ay ang cryptosporidium, giardia at salmonella gayundin ang hookworms, ringworms and tapeworms. Napaka-common sa mga kalye ng Tondo at Maynila ang ganyang eksena. Nakakalungkot lang na napakarami pa ding iresponsableng dog owners na walang humpay kung pabayaan ang kanilang mga alagang aso sa kalye. Nakakalungkot din na madaming naiiwan na dumi ng aso sa kalye na lagi mong iiwasan. At kung sakaling may baha eh tiyak na masasama siya sa tubig baha na maaaring magdulot ng sakit kung sakaling ito ay pumasok sa ating katawan. Panawagan po sa lahat ng mga pet owners. Kasama ng pagbili ng alagang aso ay ang responsibilidad natin na protektahan ang ibang tao sa kagat nito at sa sakit na dulot ng dumi nito. Mahalin natin ang ating mga alaga. Mahalin natin ang ibang tao. Mahalin natin ang ating komunidad. Be a responsible dog owner. Ating kilalanin ang batang Tondo na isang Olympian na dinala ang bayang ng Tondo at ang Pilipinas sa larangan ng pampalakasan o sports sa Tokyo 2020 Olympics na ginaganap ngayon sa Japan. Si Ernest john Uy Obeina ay isang Pinoy pole vaulter mula sa Tondo, Manila. Siya ay ipinanganak nuong Nobyembre 17, 1995 kina Emerson and Jeanette Obiena. Siya ay nag-aral sa Chiang Kai Shek College sa high school at sa University of Santo Tomas sa college. Bago niyang ma-break ang Asian Athletic Championships record ay hawak niya ang Philippine national recod sa pole vaulting na may 5.55 meters na kanyang nagawa nuong April 29, 2016 sa 78th SIngapore Open Championships sa Kallang, Singapore. At kanya ngang na-break ang Asian Athletics Championships record na 5.71 meters nuong April 21, 2019 sa 23rd biennial meet sa Doha, Qatar na kung saan ay nakakuha siya ng gold medal para sa bansa. Siya ngayon ang may hawak ng national record na kanya ding na-break sa parehong paligsahan. Si EJ ang kauna-unahang Pilipino na nabigyan ng scholarship mula sa International Athletic Association Federation o IAAF. At nito ngang Tokyo 2020 Summer Olympics ay sumalang si EJ Obiena para sa karangalan ng ating bansa. Hindi man niya nakuha ang gintong medalya dahil hindi niya na-clear nung finals ang 5.8 meters ng pole vaulting. Nagkaroon din ng issue na kung saan ay hindi daw siya sigurado kung sasali pa siya sa Paris 2024 Olympics matapos siyang ma-interview. Nilinaw ni Obiena na kinuha "out of context" ang kanyang pahayag dahil wala pa sa isip niya ang Paris Olympics dahil unti-unti pa niyang dina-digest yung mga nangyaring pagkatalo niya.
“It was just reported that I am ‘unsure’ or ‘not keen’ on competing at the 2024 Paris Olympics. My comments were taken out of context and have created an uncertainty and distraction to our country’s amazing Olympic performance,” Obiena wrote on Facebook. Pero sa maraming Pilipino ay naging matagumpay ang pakikipaglaban ni EJ sa Tokyo Olympics. Marami pa ding mga tao at netizens ang sumusuporta at naniniwala sa kanya. Mabuhay ka EJ! Nawa'y patulyo mong irepresenta ang Tondo at ang Pilipinas sa pandaigdigang competitions. Maging magandang huwaran ka sa madaming kabataan dito sa atin. Nagbukas na ang ika-129 na Malasakit Center na matatagpuan sa Tondo Medical Center sa Balut. Ang Malasakit Center ay proyekto ng Pangulong Duterte upang makatulong sa mahihirap na kababayan sa ating bansa pagdating sa serbisyong medical. Layunin ng Malasakit Center na ma-zero balance ang bill ng pasyente paglabas nito sa ospital. Magagawa ito dahil one-stop shop na ang sangay ng gobyerno sa Malasakit Center. Hindi na kailangan umikot-ikot ang tao upang ma-avail ang financial assistance ng gobyerno gaya sa PhilHealth, Philippine Charity Sweepstakes Office at Department of Social Welfare and Development. Naging posible ito dahil na rin sa magandang relasyon ng national government at ng opisina ni Cong. Manny Lopez, kinatawan ng Unang Distrito ng Tondo. Lubos na nagpapasalamat ang mga batang Tondo sa pamamagitan ng butihing Congressman sa Malasakit Center na handog ni Pangulong Duterte. Sa pamamagitan ng Chief of Staff na si Sir Mike Lopez ay sinabi nito na malaking bagay para sa Tondo ang center na ito dahil narito ang mga taong higit na nangangailangan. "Talaga pong napakalaking bagay ang tulong ng serbisyo ng gobyerno sa bayan po namin sa Tondo. Talaga pong lahat ng mahihirap po at lahat ng nangangailangan. Di na po kayo titingin sa malayo pa dahil andito sa Tondo ang lahat ng higit na nangangailangan.", ani Mike Lopez. Kasama din sa naturang programa si Sen. Bong Go upang pangunahan ang pagbubukas nito. Kaya sa mga kababayan po natin. Huwag na po tayo matakot magpa-ospital dahil mayroon na pong tutulong sa atin upang mapagaan ang ating dinadala. Bukod po dyan ay panuorin nyo po ang video na ito dahil ang opisina din ng ating Congressman ay may pinansyal na tulong medikal din na binibigay simula ng siya ay maupo. Ito ay magiging malaking kabawasan sa bawat pamilya sa Tondo. Paano kumuha ng Medical Assistance sa Bulwagan ng Tondo: https://youtu.be/gDSTJO8P_H8 📸 PTV 4 screenshots Wala pa ding patid ang pamimigay ng ayuda na P2,000 sa bawat senior citizens sa Tondo. Kasalukuyan nang nasa Sona 7 ang pag-iikot ng opisina ni Cong. Manny Lopez sa pangunguna pa din ng kanyang Chief of Staff na si Sir Mike Lopez. Ang ayudang ito ay malaking bagay na sa bawat senior citizens lalo na sa pambili ng maintainance na gamot at pagkain sa araw-araw. Hindi lingid sa atin na ang ating nakatatanda ay nahihirapan din sa buhay dahil na din sa edad. Kaya ang munting lingap na ito para sa kanila ay makakapawi kahit papano sa ilan nilang alaahanin. Tuluy-tuloy ang paminigay ng ayuda hanggang matapos na ang lahat ng sona at makangiti na ang lahat mg senior citizens ng Tondo. Nagkaroon na ng pagpupulong kamakailan sa Bulwagan ng Tondo ang mga representante ng bawat barangay sa Sona 8 dahil sila na ang susunod.
Pilit na iniikot ng team ni Cong. Manny ang bawat barangay upang maiwasan na ang pagbyahe ng mga lolo at lola natin. Konting tiis lamang po at makakakuha na po ang lahat. Abangan ang Team Manny Lopez sa inyong barangay. As early as 2:00 AM pa lamang ay napakarami nang nakapila sa mga vaccination sites ng Lungsod ng Maynila sa mga malls upang tumanggap ng kanilang first dose of vaccines sa huling araw bago mag-ECQ sa buong National Capital Region. Naiulat na tanging Authorized Person Outside of Residence (APOR) lamang ang maaaring makalabas sa dalawang linggong Enhanced Community Quarantine sa rehiyon mula sa Agosto 6 hanggang Agosto 20, 2021. Tanging mga bakunadong indibidwal din lamang ang maaaring makalabas at makapasok sa mga business establishments gaya ng malls sa mga susunod na araw. Kaya't ngayong araw ay bigla na lamang dinagsa ang mga vaccination sites sa Maynila gaya ng SM Manila, Robinsons Place Manila, Lucky China Town Mall at SM San Lazaro. Agad namang inanunsyo ni Mayor Isko Moreno Domagoso sa pamamagitan ng kanyang Facebook page ang pagpapahinto ng vaccination sa SM San Lazaro matapos ito ay dagsain ng tao na nais magpabakuna. Samantalang ang 3 nalalabing vaccination sites ay ipinatigil naman matapos ang 2,500 vaccines na naka-allot ay naubos na din sa mga nakapila.
Sa mahabang panahon ay paulit-ulit at araw-araw pinapaalala ng gobyerno na magpabakuna para sa kaligtasan ng lahat. Huwag sanang humantong muli sa ganito na sabay-sabay magkukumahog ang mga tao upang magpabakuna. Maraming araw ang lumipas na halos walang nagpapabakuna sa mga eskwelahan at malls. Huwag din sana natin sisihin nag gobyerno kung may ganitong mga pangyayari dahil hindi sila nagkulang upang maging maayos at organisado ang pagpapabakuna sa Lungsod ng Maynila. Kung nais magpabakuna ay pumunta lamang sa Manila vaccionation website upang magparehistro (https://www.manilacovid19vaccine.ph). 📸 Lyndon Aguila/Concerned Citizen/Isko Moreno Facebook page POV #1
May sakit ka. Di mo alam kung saan ka kukuha ng pampa-check up o kaya ay pambili ng gamot. Natatakot ka mag-follow up check up kasi wala ka man lang pamasahe. Kumikirot na katawan mo at mamamatay ka na halos pero wala ka magawa. Nawawalan ka na ng pag-asa kasi wala talaga pumapasok ng pera. Pati yung mga inaasahan mong tutulong sayo ay wala na din. Lumapit ka sa pamilya at kaibihan mo pero di ka matulungan. POV #2 Yung mga magulang naman na doble kayod na eh di pa din magawa mapagamot ang kanilang mga anak. Di lang isa kundi dalawang anak ang may malubhang sakit. Di ka na magkandaugaga kahit dalawa na kayong mag-asawa ang kumakayod. Nahihirapan kang makita ang mga anak mong naghihirap. Okay lang na ikaw ang mahirapan 'wag lang iyong mga anak. PERO MABUTI ANG DIYOS. Nabalitaan mo o may lumapit sayo na si Cong. Manny Lopez pala ay nagbibigay ng financial assistance sa mga kababayan niya sa Tondo para sa medikal na pangangailangan. Ang maliit na halagang inabot sayo ay nagbigay ng malaking pag-asa sayo sa buhay. Sinabi mo sa sarili mo na huwag kang susuko kasi gagamit Siya ng mga tao upang tulungan ka. Ang maliit na handog na medical assistance ni Cong. Manny ay kaparaan ng nasa Itaas upang tulungan at bigyang pag-asa ang mga naghihikahos nating mga kababayan. Tuluy-tuloy niya itong ginagawa at ng kanyang opisina simula ng siya ay manungkulan. Maraming salamat sa Diyos sa buhay mo Cong. Manny at Sir Mike Lopez dahil kayo ay nagpapagamit bilang instrumento ng Kanyang biyaya sa mga mahihirap. 📸 Manny Lopez FB page |
AuthorRyean TeeVee Archives
September 2021
Categories |