Masarap mag-alaga ng aso lalo na't siya ang happy pill mo at ng buong pamilya mo. Siya nga di ba ang man's best friend? Pero paano kung aso mo ang magiging dahilan bakit mababawasan ka ng P25,000? Teka, paano mangyayari yun?
Ayon sa Republic Act No. 9482 or Anti-Rabies Act of 2007 ay maaari kang pagmultahin o makulong kung sakaling di mo maalagaan mabuti ang iyong aso na magdudulot ng panganib sa ibang tao. Ayon sa naturang batas ay maaari kang mapatawan ng parusang multa kung ikaw ay magiging iresponsableng may-ari ng aso: 1. Ayaw pabakunahan ang alagang aso - P2,000 multa 2. Kapag nakakagat ang asong walang bakuna - P10,000 multa 3. Kapag nakakagat ang alagang aso at ayaw tulungan ng may-ari ang biktima - P25,000 multa 4. Kapag ayaw itali o ikulong ang alagang aso - P500.00 multa Kung sakaling hindi mo tutulungan ang biktima ng pagkakagat ng aso mo ay pagmumultahin ka ng P25,000. Ayon din sa Senate Bill No. 3189 ay ipinagbabawal ang pagkakalat ng dumi ng aso sa mga pampubliko at pribadong lugar matapos matuklasan na nakapagdudulot ito ng sakit sa tao, pagkakalat ng dumi ng aso sa kalsada, bahay, parke o sa lahat ng lugar na hindi pag-aari ng amo ng aso.
Kung hindi napigilan ang pagbawas nila sa mga ipinagbabawal na lugar, kinakailangang linisin agad ng may-ari o kung sino man ang may bitbit ng aso at itapon ang dumi sa basurahan.
Ang dumi ng aso ay nag-iiwan ng itlog ng roundworms at parasites sa lupa at nananatili sila doon kahit na ilang taon ang lumipas. Ang parasites na bitbit ng dumi ng aso ay ang cryptosporidium, giardia at salmonella gayundin ang hookworms, ringworms and tapeworms. Napaka-common sa mga kalye ng Tondo at Maynila ang ganyang eksena. Nakakalungkot lang na napakarami pa ding iresponsableng dog owners na walang humpay kung pabayaan ang kanilang mga alagang aso sa kalye. Nakakalungkot din na madaming naiiwan na dumi ng aso sa kalye na lagi mong iiwasan. At kung sakaling may baha eh tiyak na masasama siya sa tubig baha na maaaring magdulot ng sakit kung sakaling ito ay pumasok sa ating katawan. Panawagan po sa lahat ng mga pet owners. Kasama ng pagbili ng alagang aso ay ang responsibilidad natin na protektahan ang ibang tao sa kagat nito at sa sakit na dulot ng dumi nito. Mahalin natin ang ating mga alaga. Mahalin natin ang ibang tao. Mahalin natin ang ating komunidad. Be a responsible dog owner.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorRyean TeeVee Archives
September 2021
Categories |