ANG SIGAW NG TUNDO
ni Rodel M. Jaboli Pakinggan mo O bayan, ang panaghoy ng tagaTundo, Imbing kalagayan nalugmok sa dusa’t pagkahapo Manhid na mga katawang nalubog sa pagkabigo ‘Di makapag-pumiglas sa kumunoy nang panlulumo. Kulimlim ng langit sa gabing nababalot nang lumbay, Hindi maapuhap ang landas sa kawalan ng gabay Mga paang nangangapa, takot mawalan ng malay Baka magising na lamang buhay ay wala ng saysay. Himno ng pighati’t lumagaslas ang pagsusumamo, Mga luhang dumadaloy sa lupang ipinangako Walang puknat na tumatangis ang matang nanlalabo Sakbibi ng hapis sa dustang damdaming nasiphayo. Hagupit nang pangigipit sa kalamna’y nagkalatay, Tinarakan ng patalim hanggang nagkagutay-gutay Hinayaang mabusabos, iniwang nakahandusay Kalunos-lunos na maralitang nag-aagaw-buhay. Sa pagkasubasob sa putikan, kuminang ang ginto, Hinulma ng katapangan na nag-ugat sa ninuno Nananatiling nananalaytay ang bagsik ng dugo Dumilig sa matagal ng tigang na lupang natuyo. Ang nanunuyot na labi, tamis na ngiti’y sisilay, Sulo ng ningas na apoy bitbit nang mariing kamay Babagtasin ang daanan sa minimithing tagumpay Kahit maging sa takipsilim malayang maglalakbay. Hindi na mabubulid sa bangin ng mga palalo, Kakapit sa lubid upang hindi tuluyang bumugso Buong tapang na aakyat hanggang marating ang dulo Hindi na matitinag kahit harangan man ng punglo. Bakas nang hirap ibabaon sa ilalim ng hukay, Ang aral na tumimo sa isip, magiging patnubay Dusang tiniis sanhi ng katarungang hindi pantay Babaguhin ng taas-noong pangarap na s’yang taglay. Karalitaan kikitlin nang matapat na pangako, Sama-samang kikilos upang tagumpay ay matamo Buong giting na titindig laban sa pang-aabuso At sa puso ay ipagmamalaking anak ng Tundo. Bangungot ng kahapon ihahatid sa huling lamay, Yayakapin ang bagong silang na pag-asang s’yang alay Sa pausbong na mga binhing tapang ay ipapanday Na magtatanggol sa lupang pinagbuwisan ng buhay. #WhenInTondo #AnakNgTondo #BatangTondo #SigawNgTondo
0 Comments
Sa taglay mong ningning at ganda ay napakadami ang nahuhumaling na makita ka. Mga dayo sa kalapit na lungsod at probinsya ay ninanais na ikaw ay mabisita. Oo, aminin natin na minsan nang nadungisan ang iyong pangalan. Sa mahabang panahon ay binaligtad nila ang katotohanan.
Ngunit lumipas na ang naturang panahon... Ikaw ngayon ay isa nang bayan na puno ng ilaw at pag-asa. Isang bayan na tahanan ng mga bayani at dakila. Bayan na may mga mamamayan na siyang dahilan kung bakit madaming naaakit at nahuhumaling na manatili. Mga residente na nagsisilbing bato-balani na siyang humahatak sa mga dayi upang mapamahal sa isang bayan na minsang nabansagang lugar ng mga kriminal. Tondo, limang letra pero puno ng ganda. Distrito sa Maynila na madaming namamangha dahil sa iyong kakaibang taglay. Mayroon kang ganda na hindi maipaliwanag at di mabitawan. Dadayuin at dadayuin ka. Babanggitin ang iyong pangalan para masabing proud sila dahil nasa Tondo sila. Proud sila dahil may kakilala silang taga-Tondo. Proud sila dahil nakapunta sila sa Tondo. Proud sila dahil masaya sa Tondo. Proud sila dahil naging bahagi ng buhay nila ang Tondo. Oh, Tondo. Oh, Tondo. Tunay na ikaw ay nagbabago. Mula sa Moriones, Delpan, Balut, Gagalangin, Velasquez, Herbosa at Ugbo. Walang tao na hindi nakakikilala sa'yo. Isa kang lugar na labis naming mamahalin. Isang lugar na paulit-ulit naming bibisitahin. Isang lugar na nagturo ng tunay na buhay sa amin. Mahal ka namin Tondo. 🇵🇭 Mahal ka namin. ❤️ By Ryean TeeVee 📸 Maxie Salivio Photography https://www.facebook.com/MaxieSalivioPhotography/ #WhenInTondo #WelcomePoKayoSaTondo 𝗧 𝗨 𝗡 𝗗 𝗢 🇵🇭
𝙵𝚊𝚜𝚝 𝙵𝚊𝚌𝚝𝚜 👉🏻2 ang distrito sa Lungsod ng Maynila 👉🏻8.81 km² ang total land area 👉🏻1012 (west) and 1013 (east) zip codes 👉🏻613,363 (2015) total population 👉🏻Ang pangalan ay mula sa salitang "tundun" o "tundok" 👉🏻"Tundo" sa Tagalog at "Tondo" sa Ingles 👉🏻26 public elementary schools 👉🏻11 public high schools 👉🏻Tahanan nila Andres Bonifacio, Lakan Dula, mga bayani at kilalang tao 👉🏻Popular Landmarks ☑️Sto. Niño de Tondo Church ☑️Divisoria ☑️Tutuban ☑️PNR ☑️Ugbo ☑️Manila North Harbour 👉🏻Food haven ng Maynila Tulungan nyopo kaming ipagmalaki at baguhin ang imahe ng Tondo. Ipagmalaki natin ang sariling atin. Iwasan na nating magbalita ng mga di kaiga-igayang pangyayari sa ating bayan. Walang dapat ikatakot sa Tundo. 𝐖𝐞𝐥𝐜𝐨𝐦𝐞 𝐩𝐨 𝐤𝐚𝐲𝐨 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐓𝐮𝐧𝐝𝐨!!! 🇵🇭 📸Ken Jover #WhenInTondo #SarapSaTondo #WelcomePoKayoSaTondo #BatangTondo #AnakNgTondo #TondoSinceBirth #TondoCartel #VloggeristNgTondo #TondorifficVlogs #ButiPaSaTondo #RyeanTeeVee PINAKAMALAKING PIER SA PILIPINAS
Alam mo ba na sa Tondo matatagpuan ang bahagi ng pinakamalaking port sa Pilipinas? Narito ang Manila North Harbour na kung saan ay may container at passenger terminal. Ang terminal na ito sa Tondo ay may lawak na 53 na ektarya at 7 berths. Narito ang North Port Passenger Terminal, 2Go home base at iba pang major ferry services. Kasama ng Manila North Harbour ang Manila South Harbour at Manila International Container Terminal upang mabuo ang pinakamalaking pier sa Pilipinas. Ang pier na ito ay malaki ang naiaambag sa kaban ng Lungsod ng Maynila dahil sa lawak ng operasyon nito. Marami ding mamamayan ng Tondo ang nagtatrabaho dito bilang office staff, truck driver, pahinante, porter at iba pang hanapbuhay. Ang Manila North Harbour ay matatagpuan sa Road 10 or mas kilala ngayon sa tawag na Mel Lopez Boulevard. 📸 Ken Jover |
AuthorRyean TeeVee Archives
September 2021
Categories |