Sa taglay mong ningning at ganda ay napakadami ang nahuhumaling na makita ka. Mga dayo sa kalapit na lungsod at probinsya ay ninanais na ikaw ay mabisita. Oo, aminin natin na minsan nang nadungisan ang iyong pangalan. Sa mahabang panahon ay binaligtad nila ang katotohanan.
Ngunit lumipas na ang naturang panahon... Ikaw ngayon ay isa nang bayan na puno ng ilaw at pag-asa. Isang bayan na tahanan ng mga bayani at dakila. Bayan na may mga mamamayan na siyang dahilan kung bakit madaming naaakit at nahuhumaling na manatili. Mga residente na nagsisilbing bato-balani na siyang humahatak sa mga dayi upang mapamahal sa isang bayan na minsang nabansagang lugar ng mga kriminal. Tondo, limang letra pero puno ng ganda. Distrito sa Maynila na madaming namamangha dahil sa iyong kakaibang taglay. Mayroon kang ganda na hindi maipaliwanag at di mabitawan. Dadayuin at dadayuin ka. Babanggitin ang iyong pangalan para masabing proud sila dahil nasa Tondo sila. Proud sila dahil may kakilala silang taga-Tondo. Proud sila dahil nakapunta sila sa Tondo. Proud sila dahil masaya sa Tondo. Proud sila dahil naging bahagi ng buhay nila ang Tondo. Oh, Tondo. Oh, Tondo. Tunay na ikaw ay nagbabago. Mula sa Moriones, Delpan, Balut, Gagalangin, Velasquez, Herbosa at Ugbo. Walang tao na hindi nakakikilala sa'yo. Isa kang lugar na labis naming mamahalin. Isang lugar na paulit-ulit naming bibisitahin. Isang lugar na nagturo ng tunay na buhay sa amin. Mahal ka namin Tondo. 🇵🇭 Mahal ka namin. ❤️ By Ryean TeeVee 📸 Maxie Salivio Photography https://www.facebook.com/MaxieSalivioPhotography/ #WhenInTondo #WelcomePoKayoSaTondo
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorRyean TeeVee Archives
September 2021
Categories |