Nagbukas na ang ika-129 na Malasakit Center na matatagpuan sa Tondo Medical Center sa Balut. Ang Malasakit Center ay proyekto ng Pangulong Duterte upang makatulong sa mahihirap na kababayan sa ating bansa pagdating sa serbisyong medical. Layunin ng Malasakit Center na ma-zero balance ang bill ng pasyente paglabas nito sa ospital. Magagawa ito dahil one-stop shop na ang sangay ng gobyerno sa Malasakit Center. Hindi na kailangan umikot-ikot ang tao upang ma-avail ang financial assistance ng gobyerno gaya sa PhilHealth, Philippine Charity Sweepstakes Office at Department of Social Welfare and Development. Naging posible ito dahil na rin sa magandang relasyon ng national government at ng opisina ni Cong. Manny Lopez, kinatawan ng Unang Distrito ng Tondo. Lubos na nagpapasalamat ang mga batang Tondo sa pamamagitan ng butihing Congressman sa Malasakit Center na handog ni Pangulong Duterte. Sa pamamagitan ng Chief of Staff na si Sir Mike Lopez ay sinabi nito na malaking bagay para sa Tondo ang center na ito dahil narito ang mga taong higit na nangangailangan. "Talaga pong napakalaking bagay ang tulong ng serbisyo ng gobyerno sa bayan po namin sa Tondo. Talaga pong lahat ng mahihirap po at lahat ng nangangailangan. Di na po kayo titingin sa malayo pa dahil andito sa Tondo ang lahat ng higit na nangangailangan.", ani Mike Lopez. Kasama din sa naturang programa si Sen. Bong Go upang pangunahan ang pagbubukas nito. Kaya sa mga kababayan po natin. Huwag na po tayo matakot magpa-ospital dahil mayroon na pong tutulong sa atin upang mapagaan ang ating dinadala. Bukod po dyan ay panuorin nyo po ang video na ito dahil ang opisina din ng ating Congressman ay may pinansyal na tulong medikal din na binibigay simula ng siya ay maupo. Ito ay magiging malaking kabawasan sa bawat pamilya sa Tondo. Paano kumuha ng Medical Assistance sa Bulwagan ng Tondo: https://youtu.be/gDSTJO8P_H8 📸 PTV 4 screenshots
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorRyean TeeVee Archives
September 2021
Categories |