As early as 2:00 AM pa lamang ay napakarami nang nakapila sa mga vaccination sites ng Lungsod ng Maynila sa mga malls upang tumanggap ng kanilang first dose of vaccines sa huling araw bago mag-ECQ sa buong National Capital Region. Naiulat na tanging Authorized Person Outside of Residence (APOR) lamang ang maaaring makalabas sa dalawang linggong Enhanced Community Quarantine sa rehiyon mula sa Agosto 6 hanggang Agosto 20, 2021. Tanging mga bakunadong indibidwal din lamang ang maaaring makalabas at makapasok sa mga business establishments gaya ng malls sa mga susunod na araw. Kaya't ngayong araw ay bigla na lamang dinagsa ang mga vaccination sites sa Maynila gaya ng SM Manila, Robinsons Place Manila, Lucky China Town Mall at SM San Lazaro. Agad namang inanunsyo ni Mayor Isko Moreno Domagoso sa pamamagitan ng kanyang Facebook page ang pagpapahinto ng vaccination sa SM San Lazaro matapos ito ay dagsain ng tao na nais magpabakuna. Samantalang ang 3 nalalabing vaccination sites ay ipinatigil naman matapos ang 2,500 vaccines na naka-allot ay naubos na din sa mga nakapila.
Sa mahabang panahon ay paulit-ulit at araw-araw pinapaalala ng gobyerno na magpabakuna para sa kaligtasan ng lahat. Huwag sanang humantong muli sa ganito na sabay-sabay magkukumahog ang mga tao upang magpabakuna. Maraming araw ang lumipas na halos walang nagpapabakuna sa mga eskwelahan at malls. Huwag din sana natin sisihin nag gobyerno kung may ganitong mga pangyayari dahil hindi sila nagkulang upang maging maayos at organisado ang pagpapabakuna sa Lungsod ng Maynila. Kung nais magpabakuna ay pumunta lamang sa Manila vaccionation website upang magparehistro (https://www.manilacovid19vaccine.ph). 📸 Lyndon Aguila/Concerned Citizen/Isko Moreno Facebook page
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorRyean TeeVee Archives
September 2021
Categories |