POV #1
May sakit ka. Di mo alam kung saan ka kukuha ng pampa-check up o kaya ay pambili ng gamot. Natatakot ka mag-follow up check up kasi wala ka man lang pamasahe. Kumikirot na katawan mo at mamamatay ka na halos pero wala ka magawa. Nawawalan ka na ng pag-asa kasi wala talaga pumapasok ng pera. Pati yung mga inaasahan mong tutulong sayo ay wala na din. Lumapit ka sa pamilya at kaibihan mo pero di ka matulungan. POV #2 Yung mga magulang naman na doble kayod na eh di pa din magawa mapagamot ang kanilang mga anak. Di lang isa kundi dalawang anak ang may malubhang sakit. Di ka na magkandaugaga kahit dalawa na kayong mag-asawa ang kumakayod. Nahihirapan kang makita ang mga anak mong naghihirap. Okay lang na ikaw ang mahirapan 'wag lang iyong mga anak. PERO MABUTI ANG DIYOS. Nabalitaan mo o may lumapit sayo na si Cong. Manny Lopez pala ay nagbibigay ng financial assistance sa mga kababayan niya sa Tondo para sa medikal na pangangailangan. Ang maliit na halagang inabot sayo ay nagbigay ng malaking pag-asa sayo sa buhay. Sinabi mo sa sarili mo na huwag kang susuko kasi gagamit Siya ng mga tao upang tulungan ka. Ang maliit na handog na medical assistance ni Cong. Manny ay kaparaan ng nasa Itaas upang tulungan at bigyang pag-asa ang mga naghihikahos nating mga kababayan. Tuluy-tuloy niya itong ginagawa at ng kanyang opisina simula ng siya ay manungkulan. Maraming salamat sa Diyos sa buhay mo Cong. Manny at Sir Mike Lopez dahil kayo ay nagpapagamit bilang instrumento ng Kanyang biyaya sa mga mahihirap. 📸 Manny Lopez FB page
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorRyean TeeVee Archives
September 2021
Categories |