Ating kilalanin ang batang Tondo na isang Olympian na dinala ang bayang ng Tondo at ang Pilipinas sa larangan ng pampalakasan o sports sa Tokyo 2020 Olympics na ginaganap ngayon sa Japan. Si Ernest john Uy Obeina ay isang Pinoy pole vaulter mula sa Tondo, Manila. Siya ay ipinanganak nuong Nobyembre 17, 1995 kina Emerson and Jeanette Obiena. Siya ay nag-aral sa Chiang Kai Shek College sa high school at sa University of Santo Tomas sa college. Bago niyang ma-break ang Asian Athletic Championships record ay hawak niya ang Philippine national recod sa pole vaulting na may 5.55 meters na kanyang nagawa nuong April 29, 2016 sa 78th SIngapore Open Championships sa Kallang, Singapore. At kanya ngang na-break ang Asian Athletics Championships record na 5.71 meters nuong April 21, 2019 sa 23rd biennial meet sa Doha, Qatar na kung saan ay nakakuha siya ng gold medal para sa bansa. Siya ngayon ang may hawak ng national record na kanya ding na-break sa parehong paligsahan. Si EJ ang kauna-unahang Pilipino na nabigyan ng scholarship mula sa International Athletic Association Federation o IAAF. At nito ngang Tokyo 2020 Summer Olympics ay sumalang si EJ Obiena para sa karangalan ng ating bansa. Hindi man niya nakuha ang gintong medalya dahil hindi niya na-clear nung finals ang 5.8 meters ng pole vaulting. Nagkaroon din ng issue na kung saan ay hindi daw siya sigurado kung sasali pa siya sa Paris 2024 Olympics matapos siyang ma-interview. Nilinaw ni Obiena na kinuha "out of context" ang kanyang pahayag dahil wala pa sa isip niya ang Paris Olympics dahil unti-unti pa niyang dina-digest yung mga nangyaring pagkatalo niya.
“It was just reported that I am ‘unsure’ or ‘not keen’ on competing at the 2024 Paris Olympics. My comments were taken out of context and have created an uncertainty and distraction to our country’s amazing Olympic performance,” Obiena wrote on Facebook. Pero sa maraming Pilipino ay naging matagumpay ang pakikipaglaban ni EJ sa Tokyo Olympics. Marami pa ding mga tao at netizens ang sumusuporta at naniniwala sa kanya. Mabuhay ka EJ! Nawa'y patulyo mong irepresenta ang Tondo at ang Pilipinas sa pandaigdigang competitions. Maging magandang huwaran ka sa madaming kabataan dito sa atin.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorRyean TeeVee Archives
September 2021
Categories |