Sa isang buwan kong pagsubaybay sa mga proyekto at mga ginagawa ni Congressman Manny Lopez ay nuong Huwebes lang ako nagkaroon ng pagkakataon na magpakuha sa kanya. Isang malaking pribilehiyo na maging bahagi ng malaking ginagawa niya sa mga taga-Tundo lalo na sa Distrito I sa pamamagitan ng aking Tondoriffic Vlogs. Si Yorme madaming vloggers simula nuong maupo siya. Naalala ko pa ng one week pa lang ata o higit pa siya sa city hall ay pumunta na kagad ako dun upang ipakita ang buong suporta ko sa kanya kasi naniniwala ako sa adhikain niya. Isa na rito ang sundan ang lahat ng gagawin niya sa Tondo. Pumunta ako sa MPIO Office upang maging accredited vlogger niya pero di natuloy. Tapos kinausap ko ang Tourism Head niya para sa partnership sa When In Tondo pero di na ako pinapansin. Kaya naisipan ko kung sino ba ang counterpart ni Yorme sa Tondo. Ahh sabi ko si Congressman. Wala pa naman nag-vlog sa kanya. Kahit isa eh wala pang sumusubaybay sa mga ginagawa niya. Parang wala ngang ginagawa si Congressman pero sige try natin. Sinubukan nating lumapit sa kanilang tanggapan sa Bulwagan ng Tondo at sobrang init ng pagtanggap sa atin kaagad. Naumpisahan kagad nating mag-vlog sa unang araw pa lang. Napakapalad ko at naging una ako upang tunghayan ang napakarami palang ginagawa ng Kamara de Representante natin. Hindi lamang siya busy sa paggawa ng batas kung hindi napaka-busy din niya sa pagbibigay tulong sa mga barangay. Nagkamali ako sa opisina ni Cong. Napakarami pala nilang ginagawa pero hindi nakwekwento masyado. Nariyan ang ayuda sa senior citizens, medical assistance, financial assistance sa mga nasunugan, relief goods sa mga nangangailangan, burial assistance, libreng sasakyan sa libing, TUPAD, feeding sa mga frontliners, emergency response twam, fire volunteer brigade, pagpapagawa ng mga school buildings, barangay halls, chapels, kalsada, eskenita, at napakarami pang iba. Feeling ko nga sa isang buwan ko sa aking ginagawa ay kulang na kulang pa nalalaman kong ginagawa ng ating Congressman. At may mga ginagawa din si Cong sa ating mga kababayan na nanatiling lihim at hindi nabro-broadcast. Tahimik na nagbibigay at tumutulong. Yan ang Congressman na meron tayo. Ang nais lamang nila gaya ng dati niyang amang si former Manila Mayor Mel Lopez na maglingkod sa mga kababayan natin lalo na sa mga mahihirap. Idamay ko na din ang kanyang Chief of Staff na si Sir Mike Lopez. Kahit si Cong ay di ko nakakausap ay nariyan naman si Sir Mike para gabayan at suportahan ako sa aking ginagawa. Napaka-humble at matulungin. Napaka-supportive at caring. Di ko ma-imagine na isang kagaya niya ay magbibigay halaga sa akin gaya ng kumain ka na ba. Okay na ba yung kailangan mo. Sasama ka ba? Maliit na pagpapahalagang ganun ay napakalaking bagay upang makilala mo ang isang tao. Salamat din kay Sir Roy Menorias na always responsive at suporta din sa vlog ko. At lahat ng mga staff ni Cong sa Bulwagan ay napaka-welcoming at helpful. Mana sa mga leaders nila sa itaas. Serbisyong bayan lang talaga inaatupag. Pasensya na kayo sa midnight thoughts ko ah. Hahaha... Sobrang masaya lang ako sa mga nakikita kong serbisyong ginagawa ni Cong. Manny Lopez sa mga tao. Oo trabaho niya yun bilang government worker. Pero ang hahangaan mo eh yung prinsipyo sa pagtulong nilanv magkapatid. KAYA LUMALAPIT YAN SA OPISINA NATIN KASI NANGANGAILANGAN NG TULONG. KAYA TULUNGAN NYO. KUNG KAYA NATIN BIGYAN NATIN. Sa salita na yan ako bumilib sa magkapatid. Walang piniili basta kaya eh aabutan ng tulong. Walang halong pulitika ito. Malayo pa eleksyon. Isang taon pa. Wala din itong kinalaman sa When In Tondo. Gusto ko lang i-appreciate yung batang Tondo na nasa tuktok ng paglilingkod sa kapwa batang Tondo. Sana ma-appreciate natin ginagawa niya at ng kanyang opisina at mga tao niya. Di biro ginagawa nila araw-araw at nasaksihan ko ginagawa nila (actually kalahati pa lang kasi di ko pa nakikita si Cong na nagtatrabaho sa Kamara) par sa atin. Sa mga natulungan nila sana huwag tayo makalimot. Alalahanin natin yung panahong walang gustong tumulong sa atin pero andyan sila. Alalahanin natin yung panahong walang nagpapahalaga sa atin ay andyan sila. Alalahanin natin yung panahong walang nakakaalala sa atin ay andyan sila. Muli, isang pribilehiyo na maging bahagi ng paglilingkod ninyo sa mga taga-Tondo. Pagbubutihin pa ng Tondoriffic Vlogs ang pagbabalita ng mga serbiyong ginagawa niyo sa ating mga kababayan sa Tondo. P. S. This is not a paid post. Mula sa puso 'to. Sobrang na-appreciate ko lang ginagawa ng Team Manny Lopez P. S. S. Mas matindi utak ko kapag umaga. Morning person ako. Kaya kapag nag food review ako eh sa umaga ako gumagawa. Di ko alam bakit nakapagsulat ako ng ganito ngayon. Dahil siguro talagang iba kapag tumarak sa puso mo yung tao P. S. S. S. Good night na! Hahaha.. Subscribe kayo sa channel ko paabutin natin sa 1000 subscribers. Salamat po!
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorRyean TeeVee Archives
September 2021
Categories |