Nakuha ko na ang aking 2nd dose ng Sinovac vaccine laban sa nakamamatay na sakit na COVID-19. Kahit ako ay nagkaroon na ng mga anti-bodies dahil nagka-COVID na ako last year ay pinili ko pa ding magpabakuna bilang karagdagang proteksyon.
Di na ako naging pasaway na mamamayan. Nagpapasalamat ako dahil libre sa Lungsod ng Maynila ang vaccine. Nagpapasalamat ako sa maagap na paglalaan ng pondo ni Yorme Isko Moreno para sa vaccine ng mga Manilenyo. Ngayon ay feeling safe na ako laban sa sakit. Para sa akin ito at sa aking pamilya at sa bayan. Mananatili pa din akong magsusuot ng face masks at face shields bilang proteksyon pa din sa mga di pa nababakunahan. Hindi ibig sabihin na may bakuna na ako ay di na ako magka-COVID bagkus ay maaari pa din akong maging carrier ngunit hindi na aabot sa kamatayan o malubhang level ng sakit. Lalo na ako ay madalas umiikot dahil sa pag-blogging/vlogging ko sa When In Tondo at Tondoriffic Vlogs. Appreciate ko lang ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pangunguna ni Yorme at ng Manila Health Department sa napakaayos at efficient na vaccine system ng lungsod. Dalawang schedules ko ay maluwag at di na ako pumili ng mahaba at matagal sa gitna ng araw at ulan. Yes, naka-4 akong attempts para magpabakuna pero di ko sinipot at naghintay lang ako ng walang pila na araw kaya nakapag-first dose ako. Ngayong second dose ay wala din gaano pila. Suna total, maraming salamat sa Diyos dahil may bakuna na ako laban sa COVID-19. Huwag po tayong matakot. Ginagawa lahat ng pamahalaan para matapos ang pandemya na ito. Ang pagpapabakuna ay isa sa mga paraan na ito. Tayo ay makiisa at magpabakuna na. God bless everyone! Stay safe. #WhenInTondo #TondorifficVlogs #RyeanTeeVee #FullyVaccinated
0 Comments
Guys, kung pupunta kayong Ugbo eh bisita din kayo kay Nanay Amanda na magbabalot. Sa tabi ng Hong Kong Fried Noodles.
Support din natin sya para sa pambili niya ng gamot. 5 times na pala siya na-stroke. Huwag na natin sya paikutin kung saan-saan. Kasi after Ugbo eh sa Divisoria sya naglalako dahil medyo matumal siya dito. Sana sa Ugbo pa lang pakotahin na natin sya. Salamat. Share nyo na din para mas makatulong tayo. #WhenInTondo #SarapSaTondo #BalotNiAmanda #TondorifficVlogs To make the record straight. Umpisa pa lang po. I am not a staff of Cong. Manny Lopez. I just follow him and what he is doing in Tondo. Bakit pa kasi ako lalayo at lalawakan kino-cover ko kung sa Tondo lang eh may content na ako. In 2019, nang manalo si Yorme as Mayor of Manila ay pumunta kagad ako sa city hall upang magpa-accredit as official vlogger ni Yorme. Para masundan ko lahat ng ginagawa niyang projects at activities sa Tondo lang. Kaya lang nang pumunta ako eh wala pa daw ganun. Tapos after months eh ayun nagsulputan nang parang kabute ang mga vloggers ni Yorme sa iba't ibang operations at ganap niya. Hindi na ko nakisawsaw pa. Fast forward 2021, very happy ako sa mga successful vloggers dahil sobrang galing naman talaga ng mga ganap ni Yorme. Last month, kailangan ko nang contents na talaga sa vlog ko. Tulog ang YouTube channel ko at gustung-gusto ko mag-vlog ng something different. Ayaw ko kasi ng food vlog. Di ako nag-enjoy kapag ginagawa ko yun. Dami nagsasabi ayun ang i-content ko. Mas gusto ko magsulat na lang ng food review kaysa mag-video. Naisip ko sino ba ang counterpart ni Yorme sa Tondo. Technically, wala. Pero sa power and authority eh Congressman yun. Legislative siya pero may mga projects siya na direct na tulong sa masa na di natin alam. Oo, nararamdaman ko si Congressman Manny sa mga tarpaulin at sasakyan niya na nakapaskil pangalan niya at kapag may hydro at pa-concert siya. Hanggang dun lang. Ayaw ko sa kanya kung tutuusin kasi for some reasons na hindi parehas sa prinsipyo ko like yung mga names nga sa public. Pero binigyan ko sarili ko nang pagkakataon na makilala siya. Kailangan ko siya sundan at pasukin yung mga ginagawa niya sa mga kababayan ko sa Tondo. At sa awa ng Diyos, tayo ay napaunlakan ng kanyang opisina para ma-cover ang mga ginagawa niya. Nagulat ako sa dami ng gawain at galing niya sa pagtulong sa kapwa. Masisipag at mababait ang mga tao niya. Its an honor na masundan siya sa mga ginagawa niya at maibalita sa mga tao ito.
Imagine, kauna-unahang vlogger na gumawa nito sa Tondo. Answered prayer siya. Magandang opportunity para sa vlog ko. Sa dami ng vlogger ni Yorme ay ako counterpart ng mga yun sa Tondo. Huwag pulitikahin. Huwag po sabihin na tao ako ni Cong. Ako'y isang hamak at ordinaryong vlogger na kagaya ng mga nagkalat na vlogger sa Lungsod ng Maynila na binabalita lamang ang nangyayari sa labas. Kaya kapag inaangat ko ang sinumang pulitiko po ay wag naman sana masamain. Huwag po sanang bigyang kulay. Naniniwala kasi ako sa tao sa pagtulong nyo sa mga Tondo na nakita ko sa aking mga mata mismo. Kasi ako since 2019 elections ay full support ako kay Yorme. Talagang lahat ng powers ko ay binigay ko para manalo siya. Wag lang manalo si Erap nun. Kasi naniniwala ako kay Yorme. Di ako kilala ni Yorme. Wala ako kilala sa city hall. Wala akong bayad. Libre. Volunteer. Pero yung suporta ko andun. Ganun din ang ginagawa ko kay Cong. Manny Lopez ngayon. Di niya ako kilala pero naniniwala ako sa kanya. Kaya full support ang binibigay ko sa kanya. Ang pinagkaiba lang nila ay pinagkatiwalaan nila akong ikwento ang mga ganap nila sa kanilang opisina. Again, whatever support ko kay Yorme ay yun din support ko kay Cong. Manny. Baka mayroon pang gustong mag-vlog kay Cong. Magparami pa tayo. Kailangan pa ng mga kagaya ko na tutulong sa mga kababayan natin upang ikwento ang mga nangyayari sa labas. Para alam ng ating mga kababayan na may ganung serbisyo pala sa Tondo. Para transparent lahat. PM nyo ko para magtulungan tayo na ipaalam sa Tondo at Maynila ang mga ito. Madami siya ganap kaya di ko naman kaya lahat yun i-cover daily. We need you!!! Good content naman siya. Salamat sa opisina nyo po sa pagtitiwala saken. First vlog ng Tondoriffic Vlogs https://youtube.com/c/TondorifficVlogs Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaapak sa kwadra ng mga pangkarerang kabayo at sa isang race track. Dati rati eh nakikita ko lang siya sa mga TV ng patayaan ng karera (OTB) pero this time ay nakasaksi ako ng actual na karera ng kabayo. To tell you honestly, nag-enjoy naman ako makita yung mismong karera kasi ba naman sobrang gagaling tumakbo ng mga ito. Ang bibilis at ang liliksi. Namangha din ako sa laki ng race track ng kabayo. Ang lawak lawak. Sabi ko nga eh ang sarap magpa-concert ng international stars bilang venue nito. Ito yung 12 oras ng buhay ko na kasama ko lang ay mga kabayo at mga fanatics ng karera nito. Nakakamangha lang kasi mayroon palang mga tao na very passionate about horce racing. Gaya na lamang ni Sir Mike Lopez ng ML Stable. Nabigyan ako ng pagkakataon na makapamasyal sa kanyang kwadra ng kabayo sa Carmona, Cavite. Mayroon siyang humigit-kumulang na 30 kabayong pangkarera na inaalagaan dito. At take note, naglalakihan talaga mga kabayo dito. Sobrang layo sa itsura ng mga nakagisnan kong kabayo na pangkalesa na kung saan maliliit lang. Kumbaga sa burger ay Giant Burger itong mga kabayong ito. Sa tulong ni Lucky Dhendhen at Trainer Peter Aguila ay pinasyal nila ako sa buong stable at itinuro ang mga basic na ginagawa nila duon. Mayroon silang mga sampung tauhan o tinatawag na "sota" na siyang nagpapaligo, nagpapakain at nag-aalaga sa mga kabayo. Sila din naglilinis ng buong kwadra na mayroong 28 butas para paglagyan ng mga kabayo. Napanuod ko din kung paano nagpa-"pedicure" yung mga kabayo ng palitan ang horse shoe nito sa tulong ng isang mahigit 30 years na karanasan ng isang expert dito. Panuorin sa video na ito kung paano pinapalitan ang horse shoe ng isang kabayo sa loob lamang ng halos 5 minuto. Makikita sa kwadra kung gaano kamahal ng may-ari ang kanyang mga kabayo. Dahil mayroon siyang enough na tauhan, facility, pagkain, training at laban upang mas maging maganda at magaling ang kanyang mga alaga sa ML Stable. Nakaka-proud pa dito ay ipinangalan ni Sir Mike Lopez sa ilang mga lugar sa Tondo ang kanyang mga kabayo. Dito nyo makikilala sina Panday Pira, Pitong Gatang, Ugbo, Katuparan, Isla Puting Bato, at si Bulwagan na ilan sa kanila ay mga nanalo na din sa karera sa San Lazaro at iba pang race track. Speaking of San Lazaro, alam nyo ba na race track na San Lazaro sa Carmona, Cavite ngayon ay nasa Sta. Cruz, Manila dati na kung saan nakatayo ngayon ang SM San Lazaro? Ngayon, ang Manila Jockey Club, Inc. ay ibinalik ang sigla ng bayang karerista sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga events para sa mga mananaya. Nagulat ako sa laki ng San Lazaro Leisure and Business Park. Maganda sya at malawak. Mayroon siyang mga ticket booths, lounge para sa mga mananaya, kainan at mga exhibits para sa history ng karera sa Pilipinas. Iba't ibang klase ang loung ng mga mananaya. Mayroon tayong pang-masa na kung saan duon nakaupo sa mga bleachers na iba't ibang kulay. Non-aircon siya pero madaming spaces para mapanuod mo ng live ang laro. Mayroon din g mga VIP lounges sa 2nd and 3rd floor para sa may afford na kumain ng mga restaurant quality na food trip. Mayroon din silang bar lounge kung saan kami nakapwesto na pwedeng kumain at mag-chill chill habang naglalaro ng karera. Sa araw ng aming pagbisita ay ipinagdiriwang ang 450th Araw ng Maynila bilang kabisera ng bansa. Bilang paggunita dito ay nag-ambag ng karagdagang papremyo si Cong. Manny Lopez sa mga mananalo upang mas lalong maging masaya ang laro. Ito ay bilang pagpapatuloy ng nakagisnang tradisyon tuwing Araw ng Maynila na tinatawag na "Gran Copa de Manila." Batid ng butihing Congressman ng Unang Distrito ng Maynila ang kahalagahan ng naturang tradisyon tuwing sasapit ang Araw Ng Maynila. Kanilang ipinangalan ang bawat race sa lahat ng naging Alkalde ng Maynila bilang pagkilala sa mga naging ambag nito sa lipunan. Binati din ni Cong. Lopez ang bayang karerista at ang mga Manileno sa naturang selebrasyon sa isang video message na ipinalabas sa Karera San Lazaro Facebook page. "Ang nais ko.. ay sana po ang bayang karerista ay makagiliwan nyo po ang ating ihahandog para po sa inyong lahat. So, minsan pa ay binabati ko po ang bayang Maynila.. ang magiting na bayan ng Maynila sa ating pagdaos ng ating kaarawan." Natapos ang siyam na karera ng maraming nakangiti (lalo na syempre yung mga nanalo) dahil sa espesyal na araw na ito. At syempre ako kasama ng team ko ay masayang-masaya din sa bagong karananasan at kaalaman na aming nakuha mula sa pagpasok sa kwarda ng ML Stable at ng San Lazaro race track. Ang pinakanatutunan ko dito ay ang kanya-kanyang pagtawag sa atin ng Diyos sa bawat larangan na ating kinabibilangan. Gaya na lamang ng trainer ng kabayo, henete, mga sota at lalo na si kuya na taga-kabit at ayos ng sapatos ng kabayo. Walang taga-ayos ng sapatos ng kabayo sa loob ng 32 taon kung walang kagaya ni kuya na nagpatuloy at minahal ang ganung trabaho. Kaya wag sana natin mamaliitin o hahamakin ang talaneto o skills na binigay sa atin ng Diyos. Bagkus ay linangin at palaguin pa natin ito upang lalo pa tayong makatulong sa kapwa. Nagpapasalamat ako kay Sir Mike Lopez at sa buong team niya sa pagpapaunlak sa pagbisita sa mundo ng bayang karerista.
Follow me on my social media accounts para sa mas madami pang kwento: Tondoriffic Vlogs Facebook: https://www.facebook.com/tondorifficvlogs YouTube: https://www.youtube.com/c/TondorifficVlogs When In Tondo Facebook: https://www.facebook.com/whenintondomnl Ryean TeeVee Facebook: https://www.facebook.com/ryeanteevee18/ YouTube: https://www.youtube.com/c/RyeanTeeVee18 Tiktok: @ryeanteevee18 Instagram: @ryeanteevee18 Sa isang buwan kong pagsubaybay sa mga proyekto at mga ginagawa ni Congressman Manny Lopez ay nuong Huwebes lang ako nagkaroon ng pagkakataon na magpakuha sa kanya. Isang malaking pribilehiyo na maging bahagi ng malaking ginagawa niya sa mga taga-Tundo lalo na sa Distrito I sa pamamagitan ng aking Tondoriffic Vlogs. Si Yorme madaming vloggers simula nuong maupo siya. Naalala ko pa ng one week pa lang ata o higit pa siya sa city hall ay pumunta na kagad ako dun upang ipakita ang buong suporta ko sa kanya kasi naniniwala ako sa adhikain niya. Isa na rito ang sundan ang lahat ng gagawin niya sa Tondo. Pumunta ako sa MPIO Office upang maging accredited vlogger niya pero di natuloy. Tapos kinausap ko ang Tourism Head niya para sa partnership sa When In Tondo pero di na ako pinapansin. Kaya naisipan ko kung sino ba ang counterpart ni Yorme sa Tondo. Ahh sabi ko si Congressman. Wala pa naman nag-vlog sa kanya. Kahit isa eh wala pang sumusubaybay sa mga ginagawa niya. Parang wala ngang ginagawa si Congressman pero sige try natin. Sinubukan nating lumapit sa kanilang tanggapan sa Bulwagan ng Tondo at sobrang init ng pagtanggap sa atin kaagad. Naumpisahan kagad nating mag-vlog sa unang araw pa lang. Napakapalad ko at naging una ako upang tunghayan ang napakarami palang ginagawa ng Kamara de Representante natin. Hindi lamang siya busy sa paggawa ng batas kung hindi napaka-busy din niya sa pagbibigay tulong sa mga barangay. Nagkamali ako sa opisina ni Cong. Napakarami pala nilang ginagawa pero hindi nakwekwento masyado. Nariyan ang ayuda sa senior citizens, medical assistance, financial assistance sa mga nasunugan, relief goods sa mga nangangailangan, burial assistance, libreng sasakyan sa libing, TUPAD, feeding sa mga frontliners, emergency response twam, fire volunteer brigade, pagpapagawa ng mga school buildings, barangay halls, chapels, kalsada, eskenita, at napakarami pang iba. Feeling ko nga sa isang buwan ko sa aking ginagawa ay kulang na kulang pa nalalaman kong ginagawa ng ating Congressman. At may mga ginagawa din si Cong sa ating mga kababayan na nanatiling lihim at hindi nabro-broadcast. Tahimik na nagbibigay at tumutulong. Yan ang Congressman na meron tayo. Ang nais lamang nila gaya ng dati niyang amang si former Manila Mayor Mel Lopez na maglingkod sa mga kababayan natin lalo na sa mga mahihirap. Idamay ko na din ang kanyang Chief of Staff na si Sir Mike Lopez. Kahit si Cong ay di ko nakakausap ay nariyan naman si Sir Mike para gabayan at suportahan ako sa aking ginagawa. Napaka-humble at matulungin. Napaka-supportive at caring. Di ko ma-imagine na isang kagaya niya ay magbibigay halaga sa akin gaya ng kumain ka na ba. Okay na ba yung kailangan mo. Sasama ka ba? Maliit na pagpapahalagang ganun ay napakalaking bagay upang makilala mo ang isang tao. Salamat din kay Sir Roy Menorias na always responsive at suporta din sa vlog ko. At lahat ng mga staff ni Cong sa Bulwagan ay napaka-welcoming at helpful. Mana sa mga leaders nila sa itaas. Serbisyong bayan lang talaga inaatupag. Pasensya na kayo sa midnight thoughts ko ah. Hahaha... Sobrang masaya lang ako sa mga nakikita kong serbisyong ginagawa ni Cong. Manny Lopez sa mga tao. Oo trabaho niya yun bilang government worker. Pero ang hahangaan mo eh yung prinsipyo sa pagtulong nilanv magkapatid. KAYA LUMALAPIT YAN SA OPISINA NATIN KASI NANGANGAILANGAN NG TULONG. KAYA TULUNGAN NYO. KUNG KAYA NATIN BIGYAN NATIN. Sa salita na yan ako bumilib sa magkapatid. Walang piniili basta kaya eh aabutan ng tulong. Walang halong pulitika ito. Malayo pa eleksyon. Isang taon pa. Wala din itong kinalaman sa When In Tondo. Gusto ko lang i-appreciate yung batang Tondo na nasa tuktok ng paglilingkod sa kapwa batang Tondo. Sana ma-appreciate natin ginagawa niya at ng kanyang opisina at mga tao niya. Di biro ginagawa nila araw-araw at nasaksihan ko ginagawa nila (actually kalahati pa lang kasi di ko pa nakikita si Cong na nagtatrabaho sa Kamara) par sa atin. Sa mga natulungan nila sana huwag tayo makalimot. Alalahanin natin yung panahong walang gustong tumulong sa atin pero andyan sila. Alalahanin natin yung panahong walang nagpapahalaga sa atin ay andyan sila. Alalahanin natin yung panahong walang nakakaalala sa atin ay andyan sila. Muli, isang pribilehiyo na maging bahagi ng paglilingkod ninyo sa mga taga-Tondo. Pagbubutihin pa ng Tondoriffic Vlogs ang pagbabalita ng mga serbiyong ginagawa niyo sa ating mga kababayan sa Tondo. P. S. This is not a paid post. Mula sa puso 'to. Sobrang na-appreciate ko lang ginagawa ng Team Manny Lopez P. S. S. Mas matindi utak ko kapag umaga. Morning person ako. Kaya kapag nag food review ako eh sa umaga ako gumagawa. Di ko alam bakit nakapagsulat ako ng ganito ngayon. Dahil siguro talagang iba kapag tumarak sa puso mo yung tao P. S. S. S. Good night na! Hahaha.. Subscribe kayo sa channel ko paabutin natin sa 1000 subscribers. Salamat po! |
AuthorRyean TeeVee Archives
September 2021
Categories |